Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w15 3/1 p. 16
  • Sagot sa mga Tanong sa Bibliya

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2015
  • Kaparehong Materyal
  • Paano Natin Dapat Alalahanin ang Kamatayan ni Jesus?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2012
  • Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2014
  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1988
  • Ang Hapunan ng Panginoon—Paano Ito Ipinagdiriwang?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2004
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2015
w15 3/1 p. 16

SAGOT SA MGA TANONG SA BIBLIYA

Bakit dapat alalahanin ang kamatayan ni Jesus?

Mga tao na masayang namumuhay sa paraiso sa lupa

Anong pag-asa sa hinaharap ang naging posible dahil sa kamatayan ni Jesus?—Isaias 25:8; 33:24

Ang kamatayan ni Jesus ang pinakamahalagang pangyayari sa kasaysayan—namatay siya para maibalik ang kasakdalan ng tao. Hindi nilalang ang tao para gumawa ng masama, magkasakit, o mamatay. (Genesis 1:31) Pero pumasok ang kasalanan sa sanlibutan dahil sa unang taong si Adan. Ibinigay ni Jesus ang buhay niya para mailigtas tayo mula sa kasalanan at kamatayan.—Basahin ang Mateo 20:28; Roma 6:23.

Ipinakita ng Diyos ang kaniyang namumukod-tanging pag-ibig nang isugo niya sa lupa ang kaniyang Anak para mamatay alang-alang sa atin. (1 Juan 4:9, 10) Sinabi ni Jesus sa mga tagasunod niya na alalahanin ang kaniyang kamatayan sa pamamagitan ng isang simpleng seremonya na may tinapay at alak. Sa pagsasagawa nito taon-taon, maipakikita natin ang ating pasasalamat sa pag-ibig na ipinakita ng Diyos at ni Jesus.—Basahin ang Lucas 22:19, 20.

Sino ang dapat makibahagi sa tinapay at alak?

Nang unang sabihin ni Jesus sa kaniyang mga alagad na alalahanin ang kamatayan niya, binanggit niya ang tungkol sa isang tipan, o kasunduan. (Mateo 26:26-28) Nagbukas ito ng pagkakataon sa kanila at sa iba pa na may limitadong bilang para maging mga hari at saserdote sa langit kasama ni Jesus. Bagaman inaalaala ng milyon-milyon ang kamatayan ni Jesus, ang mga kasama lang sa tipan ang nakikibahagi sa tinapay at alak.—Basahin ang Apocalipsis 5:10.

Sa loob ng halos 2,000 taon, pinipili na ni Jehova kung sino ang magiging mga hari. (Lucas 12:32) Kakaunti lang sila kumpara sa mga mabubuhay magpakailanman sa lupa.—Basahin ang Apocalipsis 7:4, 9, 17.

Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang kabanata 5 ng aklat na Ano Ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? na inilalathala ng mga Saksi ni Jehova

Available din sa www.jw.org/tl

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share