Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w15 7/1 p. 16
  • Sagot sa mga Tanong sa Bibliya

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2015
  • Kaparehong Materyal
  • Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2015
  • Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2014
  • Madaraig Bang Talaga ng Mabuti ang Masama?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1993
  • Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2014
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2015
w15 7/1 p. 16

SAGOT SA MGA TANONG SA BIBLIYA

Saan nagmula ang kasamaan?

Tinanggihan ni Jesus ang lahat ng kaharian sa sanlibutan na inialok ng Diyablo

Sino ang tumukso kay Jesus na gumawa ng masama?—Mateo 4:8-10

Karaniwan na, gusto ng mga tao na maging mapagpayapa, tapat, at mabait. Pero bakit madalas nating makita ang karahasan, kawalang-katarungan, at kalupitan? Palasak ang nakasisindak na mga balita. May nag-uudyok ba sa mga tao na gumawa ng masama?—Basahin ang 1 Juan 5:19.

Ginawa ba ng Diyos ang tao na may tendensiyang gumawa ng masama? Hindi. Nilalang ng Diyos na Jehova ang tao ayon sa kaniyang larawan, na may tendensiyang tularan ang pag-ibig ng Diyos. (Genesis 1:27; Job 34:10) Pero binigyan din ng Diyos ang tao ng kalayaang pumili. Nang piliin ng ating unang mga magulang na gumawa ng masama, hindi nila tinularan ang halimbawa ng Diyos kaya hindi na sila naging perpekto. Namana natin sa kanila ang tendensiyang magkasala.—Basahin ang Deuteronomio 32:4, 5.

Hindi na ba mawawala ang kasamaan?

Gusto ng Diyos na labanan natin ang ating masasamang hilig. (Kawikaan 27:11) Kaya tinuturuan niya tayo kung paano iiwasan ang paggawa ng mali at kung paano masusumpungan ang tunay na kaligayahan. Pero sa ngayon, hindi natin lubusang matutularan ang pag-ibig ng Diyos.—Basahin ang Awit 32:8.

Bagaman maraming kasamaan ngayon, pinahihintulutan ito ng Diyos sa loob ng limitadong panahon para makita natin ang masasaklap na resulta nito. (2 Pedro 3:7-9) Pero hindi na magtatagal, ang lupa ay mapupuno ng maliligayang tao na sumusunod sa Diyos.—Basahin ang Awit 37:9-11.

Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang kabanata 3 ng aklat na Ano Ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? na inilalathala ng mga Saksi ni Jehova

Available din sa www.jw.org/tl

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share