Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w15 9/1 p. 7
  • Bakit Kami Nangangaral?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Bakit Kami Nangangaral?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2015
  • Kaparehong Materyal
  • Higit Pang Tulong Para sa Pamilya
    Gumising!—2018
  • Saan Makikita ang Sagot sa Mahahalagang Tanong sa Buhay?
    Saan Makikita ang Sagot sa Mahahalagang Tanong sa Buhay?
  • Tulong Para Maunawaan ang Bibliya
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2015
  • Pasulungin ang Kakayahan sa Ministeryo—Pagna-navigate sa JW.ORG
    Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2018
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2015
w15 9/1 p. 7
Dalawang Saksi ni Jehova na nangangaral sa isang residensiyal na lugar

TAMPOK NA PAKSA | MGA SAKSI NI JEHOVA—SINO SILA?

Bakit Kami Nangangaral?

Marahil kilalang-kilala kami dahil sa aming malawakang pangangaral​—sa bahay-bahay, sa pampublikong mga lugar, at saanman may tao. Bakit namin ito ginagawa?

Nangangaral ang mga Saksi ni Jehova para luwalhatiin ang Diyos at ipakilala ang kaniyang pangalan. (Hebreo 13:15) Gusto rin naming sundin ang utos ni Kristo Jesus: “Kaya humayo kayo at gumawa ng mga alagad sa mga tao ng lahat ng mga bansa, . . . na itinuturo sa kanila na tuparin ang lahat ng mga bagay na iniutos ko sa inyo.”​—Mateo 28:19, 20.

Bukod diyan, mahal namin ang aming kapuwa. (Mateo 22:39) Mangyari pa, alam namin na may sarili nang relihiyon ang karamihan ng tao at na hindi lahat ay interesado sa aming mensahe. Pero naniniwala kami na ang mga turo ng Bibliya ay nagliligtas-buhay. Kaya kami ay “walang humpay sa pagtuturo at pagpapahayag ng mabuting balita tungkol sa Kristo,” gaya ng ginawa ng mga Kristiyano noong unang siglo.​—Gawa 5:41, 42.

Isinulat ng sosyologong si Antonio Cova Maduro ang tungkol sa “pagsisikap at hirap na pinagdaanan ng mga Saksi ni Jehova . . . , upang makarating ang banal na kasulatan hanggang sa pinakamalayong sulok ng lupa.”​—Pahayagang El Universal, Venezuela

Karamihan sa nagbabasa ng aming literatura ay hindi mga Saksi ni Jehova. At milyon-milyon na nakikipag-aral sa amin sa Bibliya ay kabilang sa ibang relihiyon. Gayunman, nagpapasalamat sila na dumadalaw sa kanila ang mga Saksi ni Jehova.

Pero baka may iba ka pang tanong tungkol sa mga Saksi ni Jehova. Alamin ang sagot sa pamamagitan ng

  • Pagtatanong sa mga Saksi ni Jehova.

  • Pagpunta sa aming website na www.jw.org/tl.

  • Pagdalo sa aming mga pulong, na walang bayad at para sa lahat.

Isinusugo ni Jesus ang dalawang alagad para mangaral
Bundok na nababalutan ng niyebe

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga Saksi ni Jehova, panoorin ang video na Mga Saksi ni Jehova​—Organisado sa Paghahayag ng Mabuting Balita, sa www.jw.org/tl. (Tingnan sa PUBLIKASYON > VIDEO)

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share