PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO
Pasulungin ang Kakayahan sa Ministeryo—Pagna-navigate sa JW.ORG
KUNG BAKIT ITO MAHALAGA: Ang bawat publikasyon sa ating Toolbox sa Pagtuturo ay umaakay sa jw.org. Sa katunayan, ang pangunahing layunin ng contact card at ng tract na Saan Makikita ang Sagot sa Mahahalagang Tanong sa Buhay? ay akayin ang mga tao sa ating website. Sa tulong ng jw.org, puwede kang mag-e-mail o mag-share ng link ng isang publikasyon na nasa ating Toolbox sa Pagtuturo. Makakatulong ito lalo na kapag nagpapatotoo sa mga nagsasalita ng ibang wika. At baka may tanong ang iba na sinasagot ng mga publikasyong hindi makikita sa ating Toolbox sa Pagtuturo. Kung alam nating i-navigate ang website, mas magiging epektibo tayo sa ministeryo.
KUNG PAANO ITO GAGAWIN:
Gamitin ang tab na “TURO NG BIBLIYA.” Ipagpalagay mong nangangaral ka sa isang magulang na gustong makaalam nang higit tungkol sa pagpapalaki ng mga anak. Pumunta sa TURO NG BIBLIYA > PAG-AASAWA AT PAMILYA.
Gamitin ang tab na “PUBLIKASYON.” Ipagpalagay mong nangangaral ka nang di-pormal sa paaralan at gusto mong i-share sa kaklase mo ang brosyur na Sagot sa 10 Tanong ng mga Kabataan. Pumunta sa PUBLIKASYON > AKLAT AT BROSYUR.
Gamitin ang tab na “TUNGKOL SA AMIN.” Ipagpalagay mong nangangaral ka sa isang katrabaho na gustong magbasa ng maikling paliwanag tungkol sa ating mga paniniwala. Pumunta sa TUNGKOL SA AMIN > KARANIWANG MGA TANONG.
PANOORIN ANG VIDEO NA PAGNA-NAVIGATE SA JW.ORG. PAGKATAPOS, PAG-ISIPAN KUNG SAAN KA PUPUNTA SA WEBSITE PARA MATULUNGAN ANG:
isang ateista
isang taong nakaranas ng trahedya
isang kapatid na di-aktibo
isang dinadalaw-muli na gustong malaman kung paano tinutustusan ang ating gawain
isang dayuhan na gustong dumalo ng pulong sa bansa niya