Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • wp16 Blg. 4 p. 16
  • Ano ang Sinasabi ng Bibliya?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ano ang Sinasabi ng Bibliya?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pampubliko)—2016
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Ang relihiyon ba ay gawa lang ng tao?
  • Kailangan pa bang maging miyembro ng isang relihiyon?
  • Relihiyon
    Gumising!—2014
  • Kailangan Bang Maging Miyembro ng Isang Organisadong Relihiyon?
    Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
  • Pagsasagawa ng Dalisay na Relihiyon Para sa Kaligtasan
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1991
  • Paano Ko Makikilala ang Tunay na Relihiyon?
    Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pampubliko)—2016
wp16 Blg. 4 p. 16
Pamilyang nakatingin sa iba’t ibang lugar ng pagsamba

Ano ang Sinasabi ng Bibliya?

Ang relihiyon ba ay gawa lang ng tao?

NANINIWALA ANG ILAN na ang relihiyon ay inimbento lang ng tao; iniisip naman ng iba na ginagamit ng Diyos ang relihiyon para tulungan ang mga tao na mapalapít sa kaniya. Ano sa palagay mo?

ANG SABI NG BIBLIYA

May isang “anyo ng pagsamba na malinis at walang dungis sa pangmalas ng ating Diyos at Ama.” (Santiago 1:27) Ang dalisay, o tunay, na relihiyon ay mula sa Diyos.

ANG MATUTUTUHAN PA NATIN SA BIBLIYA

  • Para maging kalugod-lugod sa Diyos, ang relihiyon ay dapat na nakabatay sa katotohanang nasa Bibliya.—Juan 4:23, 24.

  • Walang-saysay ang mga relihiyong nakabatay sa mga ideya ng tao.—Marcos 7:7, 8.

Kailangan pa bang maging miyembro ng isang relihiyon?

ANO ANG SAGOT MO?

  • Oo

  • Hindi

  • Depende

ANG SABI NG BIBLIYA

“Isaalang-alang natin ang isa’t isa upang mag-udyukan sa pag-ibig at sa maiinam na gawa, na hindi pinababayaan ang ating pagtitipon.” (Hebreo 10:24, 25) Gusto ng Diyos na magtipon ang kaniyang mga mananamba bilang isang organisadong grupo.

ANG MATUTUTUHAN PA NATIN SA BIBLIYA

  • Ang mga sumasamba sa Diyos nang sama-sama ay dapat na nagkakaisa sa paniniwala.—1 Corinto 1:10, 11.

  • Ang mga miyembro ng relihiyong sinasang-ayunan ng Diyos ay bumubuo ng isang pandaigdig na kapatiran.—1 Pedro 2:17.

Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang kabanata 15 ng aklat na Ano Ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? na inilalathala ng mga Saksi ni Jehova

Available din sa www.jw.org/tl

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share