Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • ijwbq artikulo 90
  • Kailangan Bang Maging Miyembro ng Isang Organisadong Relihiyon?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Kailangan Bang Maging Miyembro ng Isang Organisadong Relihiyon?
  • Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Ang sagot ng Bibliya
  • Ano ang Sinasabi ng Bibliya?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pampubliko)—2016
  • Relihiyon
    Gumising!—2014
  • Pagsasagawa ng Dalisay na Relihiyon Para sa Kaligtasan
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1991
  • Kailangan Mo Bang Umanib sa Isang Organisadong Relihiyon?
    Gumising!—2012
Iba Pa
Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
ijwbq artikulo 90
Isang grupo ng mga tao na sama-samang nagtitipon para sumamba

Kailangan Bang Maging Miyembro ng Isang Organisadong Relihiyon?

Ang sagot ng Bibliya

Oo, kasi gusto ng Diyos na magsama-sama ang mga tao para sumamba. Sinasabi ng Bibliya: “Isaalang-alang natin ang isa’t isa upang mag-udyukan sa pag-ibig at sa maiinam na gawa, na hindi pinababayaan ang ating pagtitipon.”—Hebreo 10:24, 25.

Ipinahiwatig ni Jesus na ang kaniyang mga tagasunod ay bubuo ng isang organisadong grupo nang sabihin niya sa kanila: “Sa ganito malalaman ng lahat na kayo ay aking mga alagad, kung kayo ay may pag-ibig sa isa’t isa.” (Juan 13:35) Para ipakita ang pag-ibig na ito, kailangang makisama ang mga alagad ni Kristo sa kanilang mga kapananampalataya. Oorganisahin sila bilang mga kongregasyon na regular na magtitipon para sumamba. (1 Corinto 16:19) Sila ay magiging isang pambuong-daigdig na kapatiran.—1 Pedro 2:17.

Higit pa ang kailangan kaysa sa pagiging miyembro lang ng isang relihiyon

Bagaman ipinakikita ng Bibliya na ang mga tao ay dapat na magsama-sama para sumamba sa Diyos, hindi nito itinuturo na matutuwa ang Diyos sa isang tao kung basta miyembro lang siya ng isang relihiyon. Para sang-ayunan ng Diyos, dapat na may epekto sa buhay ng isa ang kaniyang relihiyon. Halimbawa, sinasabi ng Bibliya: “Ang dalisay at walang kapintasang relihiyon na tinatanggap ng Dios at ating Ama ay ito: tulungan ang mga ulila at mga babaing balo sa kanilang kahirapan, at ingatan ang sarili na hindi mahawa sa kasamaan ng sanlibutang ito.”—Santiago 1:27, Ang Biblia—Bagong Salin sa Pilipino.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share