Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • wp16 Blg. 6 p. 16
  • Ano ang Sinasabi ng Bibliya?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ano ang Sinasabi ng Bibliya?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pampubliko)—2016
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Sinasagot ba ng Diyos ang lahat ng panalangin?
  • Ano ang tamang posisyon kapag nananalangin?
  • Ang Pribilehiyong Panalangin
    Ano ang Itinuturo sa Atin ng Bibliya?
  • Maging Malapít sa Diyos sa Panalangin
    Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?
  • Sasagutin ba ng Diyos ang mga Panalangin Ko?
    Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
  • Paglapit sa Diyos sa Panalangin
    Ano ang Hinihiling ng Diyos sa Atin?
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pampubliko)—2016
wp16 Blg. 6 p. 16
Babaeng nananalangin

Ano ang Sinasabi ng Bibliya?

Sinasagot ba ng Diyos ang lahat ng panalangin?

SASABIHIN MO BANG SINASAGOT NIYA ANG PANALANGIN NG . . .

  • Bawat isa

  • Iilan lang

  • Wala siyang sinasagot

ANG SABI NG BIBLIYA

“Si Jehova ay malapit sa lahat . . . ng tumatawag sa kaniya sa katapatan.”—Awit 145:18.

ANO PA ANG MATUTUTUHAN NATIN SA BIBLIYA?

  • Hindi pinakikinggan ng Diyos ang panalangin ng mga taong nagrerebelde sa kaniya. (Isaias 1:15) Pero ‘maitutuwid nila ang mga bagay-bagay’ kung babaguhin nila ang kanilang paraan ng pamumuhay.—Isaias 1:18.

  • Para sagutin ng Diyos ang panalangin, dapat kaayon ito ng kaniyang kalooban na makikita sa Bibliya.—1 Juan 5:14.

Ano ang tamang posisyon kapag nananalangin?

NANINIWALA ANG ILAN na dapat ay nakaluhod tayo, nakayuko, o nakadaop-palad kapag nananalangin. Ano sa palagay mo?

ANG SABI NG BIBLIYA

Pinakikinggan ng Diyos ang mga panalangin ng mga taong ‘nakaupo,’ ‘nakatayo,’ ‘nakatirapa,’ o ‘nakaluhod.’ (1 Cronica 17:16; 2 Cronica 30:27; Ezra 10:1; Gawa 9:40) Hindi humihiling ang Diyos ng isang partikular na posisyon kapag nananalangin tayo.

ANO PA ANG MATUTUTUHAN NATIN SA BIBLIYA?

  • Pinakikinggan ng Diyos ang panalangin ng mga mapagpakumbaba.—Awit 138:6.

  • Maaari kang manalangin nang tahimik o gamit ang anumang wika.—2 Cronica 6:32, 33; Nehemias 2:1-6.

Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang kabanata 17 ng aklat na ito, Ano Ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?, na inilalathala ng mga Saksi ni Jehova

Available din sa www.jw.org/tl

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share