Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • ijwbq artikulo 34
  • Sasagutin ba ng Diyos ang mga Panalangin Ko?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Sasagutin ba ng Diyos ang mga Panalangin Ko?
  • Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Ang sagot ng Bibliya
  • Ano ang Sinasabi ng Bibliya?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pampubliko)—2016
  • Maging Malapít sa Diyos sa Panalangin
    Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?
  • Ang Pribilehiyong Panalangin
    Ano ang Itinuturo sa Atin ng Bibliya?
  • Kung Papaano Makakamit ang Tulong sa Panalangin
    Maaari Kayong Mabuhay Magpakailanman sa Paraiso sa Lupa
Iba Pa
Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
ijwbq artikulo 34

Sasagutin ba ng Diyos ang mga Panalangin Ko?

Ang sagot ng Bibliya

Oo. Ipinakikita ng Bibliya at ng mga karanasan na talagang sinasagot ng Diyos ang mga panalangin. Sinasabi ng Bibliya: “Ang nasa ng mga may takot sa [Diyos] ay kaniyang isasagawa, at ang kanilang paghingi ng tulong ay kaniyang diringgin, at ililigtas niya sila.” (Awit 145:19) Pero nakadepende rin sa iyo kung sasagutin ng Diyos ang panalangin mo.

Ang mahalaga sa Diyos

  • Pananalangin sa Diyos, hindi kay Jesus, Maria, sa mga santo, anghel, o mga imahen. Ang Diyos na Jehova lang ang “Dumirinig ng panalangin.”—Awit 65:2.

  • Pananalangin ayon sa kalooban, o kahilingan, ng Diyos na makikita sa Bibliya.—1 Juan 5:14.

  • Pananalangin sa pangalan ni Jesus, na nagpapakitang kinikilala mo ang kaniyang awtoridad. “Walang sinumang makaparoroon sa Ama kundi sa pamamagitan ko,” ang sabi ni Jesus.—Juan 14:6.

  • Pagpapakita ng pananampalataya, at paghiling ng karagdagan nito kung kinakailangan.—Mateo 21:22; Lucas 17:5.

  • Pagiging mapagpakumbaba at taimtim. Sinasabi ng Bibliya: “Si Jehova ay mataas, gayunma’y nakikita niya ang mapagpakumbaba.”—Awit 138:6.

  • Pagiging matiyaga. Sinabi ni Jesus: “Patuloy na humingi, at ibibigay ito sa inyo.”—Lucas 11:9.

Ang hindi mahalaga sa Diyos

  • Ang iyong lahi. “Ang Diyos ay hindi nagtatangi, kundi sa bawat bansa ang tao na natatakot sa kaniya at gumagawa ng katuwiran ay kaayaaya sa kaniya.”—Gawa 10:34, 35.

  • Ang iyong posisyon. Puwede kang manalangin sa Diyos nang nakaupo, nakayukod, nakaluhod, o nakatayo.—1 Cronica 17:16; Nehemias 8:6; Daniel 6:10; Marcos 11:25.

  • Pananalangin nang malakas o tahimik. Sinasagot ng Diyos kahit ang mga panalanging hindi naririnig ng iba.—Nehemias 2:1-6.

  • Kung mabigat man o magaan ang iyong problema. Pinasisigla ka ng Diyos na ‘ihagis sa kaniya ang lahat ng iyong kabalisahan, sapagkat siya ay nagmamalasakit sa iyo.’—1 Pedro 5:7.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share