Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • wp19 Blg. 2 p. 12-13
  • Kapag Parang Ayaw Mo Nang Mabuhay

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Kapag Parang Ayaw Mo Nang Mabuhay
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pampubliko)—2019
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • KUNG SAAN MAKAKAKUHA NG TULONG
  • MAYROON BANG PERMANENTENG SOLUSYON?
  • Bakit Tayong Lahat ay Dapat na Pumuri sa Diyos?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1997
  • Ano ang Nararamdaman ng mga May Depresyon?
    Gumising!—2009
  • Pagtatagumpay Laban sa Panlulumo
    Gumising!—1987
  • Pagtatagumpay Laban sa Panlulumo
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1990
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pampubliko)—2019
wp19 Blg. 2 p. 12-13
Isang babae na nakahawak sa nakabukas na Bibliya habang nakaupo sa mesa at tumitingin sa malayo

Kapag Parang Ayaw Mo Nang Mabuhay

“Hindi mawala-wala ang nararamdaman ko,” ang sabi ni Adriana na taga-Brazil. “Kaya naisip kong mabuti pang wakasan ko na ang buhay ko.”

NADEPRES ka na ba nang husto at parang ayaw mo nang mabuhay? Kung gayon, naiintindihan mo si Adriana. Matindi ang kabalisahan niya; nalulungkot siya at wala nang pag-asa. Na-diagnose si Adriana na may clinical depression.

Nariyan din si Kaoru, isang lalaking Japanese na nag-aalaga sa kaniyang may-sakit at may-edad nang mga magulang. “Nang panahong iyon, sobra-sobra ang stress ko sa trabaho,” ang sabi niya. “Nawalan tuloy ako ng ganang kumain, at sirang-sira ang tulog ko. Naisip kong makakapagpahinga lang ako kung mamamatay na ako.”

Sinabi naman ni Ojebode, isang lalaking taga-Nigeria, “Sa sobrang lungkot, napapaiyak ako, kaya naghanap ako ng paraan para wakasan ang buhay ko.” Mabuti na lang, hindi nagpakamatay sina Ojebode, Kaoru, at Adriana. Pero taon-taon, daan-daang libo ang nagpapatiwakal.

KUNG SAAN MAKAKAKUHA NG TULONG

Karamihan sa nagpapakamatay ay mga lalaki; marami sa kanila ang nahihiyang humingi ng tulong. Sinabi ni Jesus na ang mga maysakit ay nangangailangan ng manggagamot. (Lucas 5:31) Kaya kung ganiyan ang nadarama mo, huwag mahiyang humingi ng tulong. Nakita ng maraming dumaranas ng depresyon na nakatulong sa kanila ang pagpapagamot. Sina Ojebode, Kaoru, at Adriana ay tumanggap ng tulong mula sa mga doktor at mas mabuti na ang kalagayan nila ngayon.

Maaaring gumamit ang mga doktor ng gamot o talk therapy o ng kombinasyon nito para gamutin ang depresyon. Kailangan din ng pasyente ang madamaying suporta ng mapagmahal na mga kapamilya at kaibigan. Pero ang pinakamabuting kaibigan natin ay ang Diyos na Jehova, na tumutulong sa atin sa pamamagitan ng kaniyang Salita, ang Bibliya.

MAYROON BANG PERMANENTENG SOLUSYON?

Kadalasan, ang mga dumaranas ng depresyon ay nangangailangan ng mahabang gamutan. Kailangan din nilang baguhin ang paraan ng kanilang pamumuhay para makayanan nila ang depresyon. Pero gaya ni Ojebode, makakaasa ka rin ng isang magandang kinabukasan. Sinabi niya: “Hinihintay kong magkatotoo ang Isaias 33:24. Inihula roon na darating ang panahon na wala nang magsasabing ‘May sakit ako.’” Gaya ni Ojebode, mapapatibay ka sa ipinangako ng Diyos na “bagong lupa,” kung saan “mawawala na ang . . . kirot.” (Apocalipsis 21:1, 4) Ibig sabihin, tuluyan nang mawawala ang mental at emosyonal na sakit. Ang sakit ng damdamin ay “hindi na maaalaala pa, at mawawala na ang mga ito sa [iyong] puso.”—Isaias 65:17.

Mga Tekstong Makakatulong sa Iyo

Naiintindihan ka ng Diyos.

“Ako, si Jehova na iyong Diyos, ay nakahawak sa kanang kamay mo, [at] nagsasabi sa iyo, ‘Huwag kang matakot. Tutulungan kita.’”—Isaias 41:13.

Mas naiintindihan ni Jehova ang damdamin natin kaysa sa sino pa man, at gusto niya tayong tulungan.

Bulay-bulayin ang Salita ng Diyos.

“Hiniling [ni Elias] na mamatay na sana siya. Sinabi niya: ‘ . . . O Jehova, kunin mo na ang buhay ko.’”—1 Hari 19:4.

“Nakatulong sa akin ang pagbubulay-bulay sa Salita ng Diyos,” ang sabi ni Ojebode. “Nalaman ko na nadama rin ni propeta Elias ang nadarama ko.”

Matuto sa mga halimbawa sa Bibliya.

“Nagsumamo na ako [Jesus] para sa iyo [Pedro] na huwag sanang manghina ang pananampalataya mo.”—Lucas 22:32.

Matapos ikaila ni apostol Pedro si Jesus nang tatlong ulit, nabagabag siya at humagulgol. Sinabi ni Kaoru: “Nakita ko sa karanasan ni Pedro na may malasakit si Jehova at si Jesus sa damdamin ni Pedro. Napatibay ako nito.”

Ang sakit ng damdamin ay “hindi na maaalaala pa, at mawawala na ang mga ito sa [iyong] puso.”—Isaias 65:17

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share