Teokratikong mga Balita
◆ Ang Samahang Watch Tower—100 Taong Gulang! Noong Oktubre 6, 1984, ang ika-100 taunang pulong ng Samahang Watch Tower ay ginanap sa Coraopolis, Pennsylvania. Sa 429 na aktibong miyembro nito sa buong daigdlg, 259 ang dumalo mula sa 50 mga bansa. Sa dakong hapon isang masiglang programa ang ginanap sa Three Rivers Stadium, Pittsburgh, na dinaluhan ng 37,733. Isang karagdagang 59,715 ang nakinig sa pamamagitan ng linya ng telepono sa 34 na mga Assembly Hall sa Estados Unidos at Canada, na may kabuuang bilang na 97,448 ang dumalo. Ang tema ng pulong na ito ay, “Si Jehova ay Laging Nagpapatunay na Nasa Kaniyang Bayan.”
◆ Ang Bolivia ay may bagong peak na 3,899 mga mamamahayag, isang 21-porsiyentong pagsulong. Ang mga mamamahayag sa kongregasyon ay nagkaaberids ng 12 oras sa paglilingkod sa larangan at 6,846 na idinaos na mga pantahanang pag-aaral sa Blblia.
◆ Ang 160,927 mga mamamahayag na nag-ulat sa Brazil ay nagdaos ng 147,894 na mga pag-aaral sa Bibliya. Ang mga bilang na ito ay mga peak. Sila ay nag-ulat din ng kanilang ika-13 sunud-sunod na peak ng mga regular payunir.
◆ Ang Britanya ay nag-ulat ng 97,495 na mga mamamahayag at ang Canada ay 80,939. Ang mga ito ay mga peak.
◆ Ang sangay ng Chile ay nag-ulat ng isang peak ng mga mamamahayag na 23,985, isang 24 na porsiyentong pagsulong. Sila’y nag-ulat din ng 31,823 mga pag-aaral sa Bibliya.
◆ Sa Colombia ang 23,117 mga mamamahayag ay nagdaos ng 30,045 mga pag-aaral sa Bibliya. Isang kongregasyon na may 80 mamamahayag ang nag-ulat ng 180 mga pag-aaral sa Bibliya.
◆ Ang Norway ay nag-ulat ng isang bagong peak ng 7,670 mga mamamahayag. Ang kabuuang oras ay sumulong ng 18 porsiyento at ang mga magasin ay 17 porsiyento.
◆ Ang Peru ay nagkaroon ng isang 20 porsiyentong pagsulong taglay ang 19,021 mga mamamahayag.