Teokratikong mga Balita
◆ Ang Britanya ay nakaabot sa isang bagong peak na 109,624 na mga mamamahayag, 8-porsiyentong pagsulong ang kahigitan sa aberids noong nakaraang taon.
◆ Ang Dominican Republic ay nagkaroon ng isang bagong peak na 10,403 na mga mamamahayag at ng kanilang ikawalong sunod-sunod na peak sa regular payunir.
◆ Ang Mexico ay nakaabot sa kanilang ika-46 na sunod-sunod na peak sa mamamahayag nang 222,168 na mga mamamahayag ang nag-ulat. Ang dumalo sa kanilang Memoryal ay namumukod-tanging 957,081.
◆ Noong taon ng paglilingkod 1987, ang mga regular payunir sa Pilipinas ay sumulong ng 33 porsiyento. Mabuti ang pagpapasimula sa taon ng paglilingkod 1988 taglay ang peak na 618 bagong mga inaprobahang aplikasyon para sa regular payunir noong Setyembre.
◆ Ang Puerto Rico ay nag-ulat ng isang bagong peak na 22,468 na mga mamamahayag. Ang kanilang anim na pandistritong kombensiyon ay dinaluhan ng 43,077 at 362 ang nabautismuhan.
◆ Ang India ay nag-ulat ng mga bagong peak na 8,077 mga mamamahayag at 5,594 na mga pag-aaral sa Bibliya.
◆ Ang dalawang pandistritong kombensiyon na idinaos sa Haiti ay dinaluhan ng 10,131 at 215 ang nabautismuhan. Ang kanilang peak na mamamahayag ay 4,894.
◆ Ang Barbados ay nag-ulat na 3,361 ang dumalo sa kanilang kombensiyon at 50 ang nabautismuhan. Ang dumalo ay mas doble ang bilang kaysa kanilang peak na 1,598 mga mamamahayag.