Tag-araw—Isang Panahon Ukol sa Karagdagang Pagsisikap
1 Inaasam-asam ng karamihan sa atin ang tag-araw sapagka’t nagiging maaliwalas ang panahon paglipas ng tag-ulan. Subali’t ang isang higit na mabuting dahilan upang asam-asamin ang tag-araw ay sapagka’t nagbubukas ito ng daan upang marami sa atin ang makagawa ng higit na pagsisikap sa ministeryo.
2 Sa nakaraang panahon, ang mga buwan ng Marso, Abril at Mayo ay nagsilbing mabubuting buwan para maraming mamamahayag ang makapaglingkuran bilang mga auxiliary payunir. Sa taong ito, masusumpungan niyaong mga nagtatrabaho nang buong panahon na ang Marso, buwan ng Memoryal at may limang Sabado at limang Linggo, ay angkop na angkop para sa kanila na makagugol ng 60 oras o higit pa sa ministeryo. Magagawa ba ninyo ito? Kung gayon, naghihintay sa inyo ang mga pagpapala.
3 Ang isang kapatid na lalaki na nagtatrabaho nang buong panahon ay naging determinado na makapag-auxiliary payunir sa pamamagitan ng pangangaral muna sa lugar ng negosyo sa madaling araw. Marami siyang maiinam na mga karanasan lakip na ang pagbubukas ng isang bagong pag-aaral sa Bibliya na idinadaos niya sa umaga bago siya magpasimula sa kaniyang sekular na trabaho. Ang isa pang kapatid na lalaki na nagtatrabaho nang buong panahon ay nagpasiyang mag-auxiliary payunir. Dahilan sa ganitong paghahangad, siya ay gumawa ng pantanging pagsisikap para sa impormal na pagpapatotoo sa kaniyang pinapasukan. Anong kagalakan niya na makakuha ng siyam na suskripsiyon mula sa kaniyang kamanggagawa!
PANTANGING GAWAIN SA ABRIL
4 Ang Abril ay nagsisilbing isang pantanging buwan para sa gawaing auxiliary payunir. Noong Abril, 1985 may 18,942 sa atin ang nasa gawaing auxiliary payunir. Ito ay 4,958 kahigitan kaysa Abril, 1984. Maaari ba nating maabot muli ang gayong peak? Maaari ba nating malampasan pa iyon at maabot ang 20,000 sa unang pagkakataon? Noong nakaraang Abril, ang mga auxiliary payunir ay gumugol ng mahigit sa isang milyong oras sa ministeryo! Ano ang mangyayari sa Abril?
5 Ang higit sa karaniwang bagay ay nagaganap dahilan sa pananampalataya. Ang Hebreo kabanata 11 ay bumabanggit ng mga kamangha-manghang bagay na naisagawa ng mga lingkod ng Diyos dahilan sa pananampalataya. Walang alinlangan na ang “tapat na gawa” ng bayan ni Jehova sa makabagong panahong ito ay pinagpapala din! (1 Tes. 1:3) Kayo ba ay mapakikilos din ng pananampalataya upang makibahagi sa pantanging pagsisikap sa Abril?
6 Ang mga mamamahayag na nangangailangan ng tulong upang maisaayos nila ang mga bagay-bagay sa praktikal na paraan upang makapag-auxiliary payunir ay maaaring makipag-usap sa isa sa mga matatanda. Makabubuti rin na dumalo sa pantanging pulong sa Pebrero 16 para doon sa mga nagpaplanong mag-auxiliary payunir. Walang alinlangan na ito ay magpapasigla sa inyo na makita ang maraming iba pa na gagawang kasama ninyo.
7 Idalangin natin na pagpalain ni Jehova ang ating sama-samang pagsisikap sa tag-araw na ito upang libulibo pa ang magtamasa ng “panahon ng kaginhawahan” sa pamamagitan ng pagtatamo ng mabuting kaugnayan kay Jehova.—Gawa 3:19.