Paghaharap ng Mabuting Balita—Paggamit ng Maliit na Aklat na Mabuhay Magpakailanman
1 Sa Hulyo ang ating alok na literatura ay ang aklat na Maaari Kayong Mabuhay Magpakailanman sa Paraiso sa Lupa. Mula nang ito ay ilabas sa “Katotohanan ng Kaharian” na mga kumbensiyon noong 1982, ang napakainam na pantulong na ito sa pag-aaral ng Bibliya ay nagdala ng espirituwal na pampatibay-loob at pag-asa sa buhay ng milyun-milyong mga tao sa palibot ng lupa. Makukuha ngayon ito sa 57 mga wika, at makapagtitiwala tayo na milyun-milyon pa ang magkakaroon ng pagkakataon na matuto hinggil sa matuwid na Bagong Kaayusan ni Jehova sa pamamagitan ng napapanahong paglalaang ito.
2 Mga ilang buwan na ang nakararaan ang pinaliit na edisyong Kastila na aklat na Mabuhay Magpakailanman ay inilabas. Ito ay ginawa lalo na sa kapakanan ng mga tao na nabubuhay sa mahihirap na bansa, yamang ito ay maiaalok sa abuloy na kalahati ang halaga. Tinanggap ito nang may kasiglahan sa lahat ng dako, hindi lamang ng madla kundi ng ating mga kapatid rin.
3 Ngayon, ang maliit na edisyon sa Ingles ay makukuha na, at maaari ng pididuhin at gamitin sa larangan. Ang halaga ay ₱15.00 sa madla, ₱14.00 sa kongregasyon at ₱8.00 sa payunir. Sa hinaharap, aasahan natin na magkakaroon ng maliit na edisyong ito sa Cebuano, Hiligaynon, Iloko at Tagalog, at ito ay ibabalita kapag dumating na.
IBA’T IBANG KAGAMITAN
4 Ang ilan sa mga kapatid na nakagamit na ng maliit na aklat sa ministeryo sa bahay-bahay ay nag-aalok muna nito. Subali’t sila’y mayroong regular na edisyon na iaalok sa mga tao na nahihirapang bumasa ng maliliit na letra. Mas gusto ng iba na gamitin ang regular na edisyon. Dahilan sa ang maliit na edisyon ay ₱15.00 lamang, nanaisin ninyo na mag-alok ng ilang kopya sa mga sambahayan na may mga anak o para gamitin bilang mga regalo.
5 Ang maliit na aklat ay pinahahalagahan lalo na ng mga mamamahayag na nahihirapang magdala ng ilang malalaking publikasyon. Ang maliit na aklat ay madaling ilagay sa bulsa o pitaka para sa impormal na pagpapatotoo, gaya sa trabaho o sa paaralan. Ito ay maaaring ipadala sa murang paraan sa koreo bilang isang regalo sa sinumang naninirahan sa ibang lugar. Tiyak na mas madaling dalhin ito kapag nagdaraos ng mga pag-aaral sa Bibliya.
6 Subali’t kayo man ay gumagamit ng regular o pinaliit na aklat, maging handa na maglagay ng Maaari Kayong Mabuhay Magpakailanman sa Paraiso sa Lupa kapag mayroon kayong pagkakataon. Napatunayan ito na isang kamangha-manghang kasangkapan sa pagtulong sa mga tulad-tupa tungo sa organisasyon ni Jehova. Bagaman malaki na ang naisagawa mula ng ilabas ang aklat noong 1982, makatitiyak tayo na tinitipon pa rin ng mga anghel ni Jehova yaong kaniyang ililigtas sa nalalapit na malaking kapighatian. (Apoc. 14:6, 7) Sa pamamagitan ng ating masigasig na pakikibahagi sa pamamahagi ng napakainam na pantulong na ito sa pag-aaral ng Bibliya, makatulong nawa tayo sa iba pa na makasumpong sa daan ng kaligtasan, at sa pagsasagawa niyaon ay tamuhin ang pagsang-ayon ni Jehova para sa ating ganang sarili.—1 Tim. 4:16.