Sabihin sa Araw-Araw ang Mabuting Balita ng Kaligtasan
1 Anong pribilehiyo na makibahagi nang palagian sa paghahayag ng pabalita ng kaligtasan! Habang ginagawa natin ito, ang ating sariling pananampalataya at sigasig ay napatitibay. Ang ating mga puso ay nagagalak habang ating sinusunod ang payo na “umawit kay Jehova, purihin ang kaniyang pangalan.”—Awit 96:2-4.
2 Ginagawa ba ninyong tunguhin na magsalita ng pabalita ng kaligtasan araw-araw? Kung hindi kayo payunir, maaari ba kayong bumahagi, kahit sa impormal na paraan lamang sa araw-araw? Anong laking sigaw ng papuri kay Jehova ang ibubunga nito kung tayong lahat ay gagawa ng ganito!
3 Hindi tayo dapat na masiraan ng loob at manghina sa paghaharap ng pabalita ng Kaharian dahilan sa kawalan ng pagtugon ng mga tao. Sa halip, ang isang positibong saloobin at malalim na pagpapahalaga sa pabalita ng kaligtasan ay magpapatibay sa ating pagsisikap na ibahagi sa araw-araw ang mabuting balita.—Luk. 6:45.
4 Ang buklod pampamilya at buklod pang-espirituwal ay napatitibay kapag nag-eskedyul ng panahong gumawa sa ministeryo bilang isang sambahayan. Ang mga pantanging araw ng paglilingkod sa larangan gaya ng unang Linggo at ng ikalawa at ikaapat na Sabado ng buwan ay nagbibigay ng mainam na pagkakataon para sa mga miyembro ng pamilya na gumawang magkakasama sa ‘pagbibigay ng kaluwalhatian at kalakasan’ kay Jehova.—Awit 96:7.
5 Sa Agosto ay iaalok natin ang aklat na mga Kuwento sa Bibliya. Ang mga tao ay nababahala sa pamumuhay sa araw-araw at nagnanais ng isang maligayang kinabukasan, kaya ang ating Paksang Mapag-uusapan ay angkop. Pagsikapang gawing nakakaakit ang inyong presentasyon. Pagkatapos na ipakilala ang inyong sarili, maaari ninyong sabihin: “Anong uri ng kinabukasan ang nais ninyo para sa inyong sarili at sa inyong pamilya? [Hayaang sumagot.] Tayong lahat ay nagnanais na mabuhay nang matagal hangga’t magagawa natin. Subali’t lubhang maraming suliranin ang nagbabanta sa ating buhay. Dahilan dito maaari kayong maging interesado na malaman ang pabalita ng Bibliya hinggil sa isang maluwalhating kinabukasan at kung papaano mapagtatagumpayan ang mga kabalisahan sa buhay.” Gamitin ang Kuwento 115 upang idiin ang maluwalhating kinabukasan na nasa harapan at ipakita kung papaanong ang aklat na mga Kuwento sa Bibliya ay maaaring gamitin upang tulungan ang kanilang sambahayan na matuto pa nang higit tungkol sa pag-asang ito.
6 Tunay na nakagagalak na pabalita ang ibinigay sa atin ni Jehova upang ipahayag! Yamang ang gawaing ito na ating isinagagawa ngayon ay hindi na kailanman mauulit at malapit nang matapos, hindi ba natin gagamitin ang ating panahon at tinatangkilik upang sabihin ang mabuting balita ng kaligtasan araw-araw?