Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 3/00 p. 1
  • Tayo ay Nangangaral ng Mabuting Balita

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Tayo ay Nangangaral ng Mabuting Balita
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2000
  • Kaparehong Materyal
  • “Nagdadala ng Mabuting Balita Tungkol sa Bagay na Mas Mabuti”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2005
  • Tularan ang Ating “Maligayang Diyos” na si Jehova
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2006
  • Mabuting Balita!
    Umawit Nang Masaya kay Jehova
  • Ipangaral Natin ang Mabuting Balitang Ito ng Kaharian
    Umawit ng mga Papuri kay Jehova
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—2000
km 3/00 p. 1

Tayo ay Nangangaral ng Mabuting Balita

1 Ano ngang kamangha-manghang pribilehiyo na maging mga tagapagdala ng “mabuting balita ng mabubuting bagay!” (Roma 10:15) Taglay natin ang isang nakagiginhawang mensahe upang ibahagi sa mga taong nasa gitna ng kaguluhan at kawalang-pag-asa. Paano natin sila matutulungan upang kanilang kilalanin na tayo’y nag-aalok ng “mabuting balita tungkol sa bagay na mas mabuti”?—Isa. 52:7.

2 Maghanda ng Isang Positibong Mensahe: Ang ating mga pakikipag-usap sa ministeryo ay magkakaroon ng mabuting epekto kung ating pagtutuunan ng pansin ang mabubuting bagay. Kaya, kapag inihahanda ang ating presentasyon at nirerepaso ang mga iaalok na publikasyon, kailangan nating itampok ang positibong mga aspekto ng mensahe. Sa pamamagitan ng pagbabahagi ng ating salig sa Bibliyang pag-asa nang may pagtitiwala at kasiglahan, maaasahan natin ang nakapagpapatibay na mga resulta.—Kaw. 25:11.

3 Bagaman tayo ay nakikiramay kapag ipinahahayag ng mga tao kung paano sila naapektuhan ng lumulubhang mga kalagayan sa daigdig, dapat nating ipakita sa kanila ang tunay na solusyon sa mga suliranin ng tao, ang Kaharian ng Diyos. Kahit na ipinakikipag-usap ang dumarating na “araw ng paghihiganti” ni Jehova, nais nating ipakita kung paanong ito’y talagang nangangahulugan ng “mabuting balita sa maaamo.” (Isa. 61:1, 2) Mabibigyan natin ng katiyakan ang ating mga tagapakinig na ang lahat ng ginagawa ni Jehova ay magdudulot ng pinakamalaking kaligayahan at ng pinakamabuting resulta sa dakong huli.

4 Iharap ang Katotohanan Taglay ang Tunay na Kagalakan: Kapag napansin ng mga tao ang masayang bukas ng ating mukha at ang may pagtitiwalang tono ng ating tinig, sila’y higit na magaganyak na makinig. Kapag ipinakikita natin ang isang optimistikong pangmalas, mapapansin ng ating mga tagapakinig na tayo’y ‘nagsasaya sa pag-asa.’ (Roma 12:12) Kaya, sila’y malamang na mas tutugon sa mabuting balita. Tiyak, tayo ay may mabuting dahilan sa tuwina na magpakita ng isang positibo, maligayang saloobin sa bawat aspekto ng ating ministeryo.

5 Bilang mga ministro ng mabuting balita, gumagawa tayo nang higit pa kaysa sa magbigay-alam lamang. Ang ating pangangaral ay nagbibigay ng tiyak na pag-asa para sa isang mas mabuting buhay sa ngayon at sa hinaharap. (1 Tim. 4:8) Sa ating paglapit sa bawat tao, ang positibong kalagayan ng ating isip ay makikita sa ating sinasabi at tutulong sa mga tao na tanggapin ang mabuting balita. Sa pamamagitan ng pagbibigay-pansin sa ating sinasabi at kung paano natin sinasabi iyon, maantig nawa natin ang tapat-pusong mga tao na yakapin ang kapana-panabik na mabuting balita na ating ipinangangaral!

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share