Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 7/86 p. 1-3
  • Maging Progresibo sa Inyong Ministeryo

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Maging Progresibo sa Inyong Ministeryo
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1986
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • PAGPAPASULONG NG ATING PRESENTASYON
  • PAGGAMIT NG AKLAT NA TRUE PEACE
  • Mga Kabataan—Kayo ba’y Maunlad sa Espirituwal?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1987
  • Mga Magulang—Sanayin ang Inyong mga Anak sa Paglilingkod sa Larangan
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1986
  • Mga Pagtitipon Bago Maglingkod
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1986
  • Pasulungin ang Iyong Ministeryo
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2008
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—1986
km 7/86 p. 1-3

Maging Progresibo sa Inyong Ministeryo

1 Ang paglaki at pagsulong ay mga kanais-nais na katangian na dapat makita at maranasan. Nasisiyahan ang mga magulang na makitang ang kanilang mga anak ay naging mga taong mapagkakatiwalaan. Sa gayunding paraan, si Jehova ay may pagnanais na makitang tayo ay nagkakaroon ng espirituwal na pagsulong. Tayo’y pinasisigla ng kaniyang Salita na ihayag ang ating pagsulong. Kaya tayo’y nararapat magbigay ng pantanging pansin sa ating ministeryo, na pinagsisikapang maabot ang mga bagay sa unahan.—1 Tim. 4:15, 16; Fil. 3:13, 16.

2 Ang sulat ni Pablo sa mga Hebreo ay nagpapakita na nabigo ang ilan na gumawa ng pagsulong sa halip sila’y nanatiling mga sanggol. (Heb. 5:12-14) Hindi ba’t idinidiin nito na kailangan nating sumulong sa ating ministeryo? Papaano natin mapasusulong ang uri ng ating paglilingkod sa larangan?

PAGPAPASULONG NG ATING PRESENTASYON

3 Nang kayo’y nagpasimula sa paglilingkod sa larangan walang pagsalang nagsaulo kayo ng presentasyon at ginamit ninyo iyon nang paulit-ulit. Gayumpaman, habang sumusulong ang ating kaalaman ang ating mga presentasyon ay naging higit na naibabagay, na nagpapangyaring tayo ay makapagsalita nang may pagtitiwala sa iba’t ibang mga paksa ng Bibliya. Kumusta ang pagsulong ninyo sa bagay na ito? Sumusulong ba ang inyong mga presentasyon sa bahay-bahay?

4 Ang karamihan sa mga kabataang mamamahayag ay tinuruan ng kanilang mga magulang ng maikling presentasyon sa magasin noong una silang magpasimula sa paglilingkod. Sa paglipas ng panahon, ang mga ito ay sumulong sa paggamit ng kasalukuyang Paksang Mapag-uusapan taglay ang regular na alok na literatura. Mga magulang, hinihimok namin kayo na tulungan ang inyong mga anak na pasulungin pa ang kanilang mga presentasyon habang sila ay lumalaki sa pisikal at espirituwal.

5 Ang pagsasanay sa mga pulong ng kongregasyon ay mahalaga sa ating pagsulong sa ministeryo. Tayo ba ay maingat na nakikinig sa Pulong Ukol sa Paglilingkod? Ang pulong na ito ay nagbibigay sa atin ng napapanahong tagubilin na tutulong sa atin na harapin ang mga hamon sa ating ministeryo. Sinasamantala ba natin ang napakainam na paglalaang ito sa pamamagitan ng lubusang pagkakapit sa mga mungkahing ibinigay?

PAGGAMIT NG AKLAT NA TRUE PEACE

6 Ang aklat na True Peace ay isang mainam na pantulong sa pagtuturo, isang napapanahong paglalaan ng sumusulong na organisasyon ni Jehova. Sa Hulyo, maaari tayong magkaroon ng ganap na bahagi sa pamamahagi ng napakainam na publikasyong ito. Gayumpaman, bilang mga sumusulong na mga ministro, nanaisin nating gawin ang higit pa kaysa paglalagay lamang ng mga aklat. Maingat na itala ang lahat ng nailagay na aklat. Bakit? Yamang ang ating pangwakas na tunguhin ay ang gumawa ng mga alagad, dapat na magsumikap na bumalik sa loob ng isang linggo, hangga’t maaari, upang malinang pa nang higit ang interes. Makikita ninyo ang aklat na True Peace ay isang mainam na aklat para gamitin sa pangangasiwa ng isang pag-aaral sa Bibliya.

7 Tumugon tayo sa tulong na ibinibigay ni Jehova sa pamamagitan ng kaniyang organisasyon sa pagiging progresibo sa ating ministeryo. Sa pamamagitan ng pagsasamantala sa saganang pagsasanay na inilalaan niya, tayo’y “magsilaki sa lahat ng mga bagay sa kaniya, na siyang pangulo, samakatuwid baga’y si Kristo.”—Efe. 4:15.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share