Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 8/86 p. 1-4
  • May Pananabik na Ibahagi ang Mabuting Balita

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • May Pananabik na Ibahagi ang Mabuting Balita
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1986
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • DI PORMAL NA PAGPAPATOTOO
  • PAGPAPASIMULA NG MGA PAG-AARAL SA BIBLIYA
  • Magplano Na Ngayon Para sa Pantanging Gawain sa Tag-araw
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1992
  • Isang Panahon “Upang Magalak at Gumawa ng Mabuti”
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1985
  • May Kagalakang Pasulungin ang Ating Papuri kay Jehova
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1985
  • Paghaharap ng Mabuting Balita—Kapag Nagbabakasyon
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1990
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—1986
km 8/86 p. 1-4

May Pananabik na Ibahagi ang Mabuting Balita

1 Anong laking pagpapala na taglayin ang mabuting balita ng Kaharian! Hindi na tayo naglalagak ng ating pagtitiwala sa mga tao na hindi kayang tuparin ang kanilang mga pangako. Ang ating pagtitiwala ay kay Jehova at sa tiyak na pag-asa sa buhay na walang hanggan sa ilalim ng pamamahala ng kaniyang Kaharian. (Awit 146:3; Tito 1:2) Kailangang marinig ng buong sangkatauhan ang mabuting balita ng natatag na Kaharian ni Jehova, at tayo ay nananabik na ibahagi iyon sa kanila!

2 Tinagubilinan ni Jesus ang kaniyang mga tagasunod na maging mga saksi niya “hanggang sa kaduluduluhang bahagi ng lupa.” (Gawa 1:8) Naririnig nating maliwanag sa ngayon ang utos na ito kagaya ng mga alagad noon. Tayo ay nagagalak na sumunod yamang siya ang Hari ng Kaharian at sa kaniya tayo may kagalakang nagpapasakop.—Mat. 28:19.

DI PORMAL NA PAGPAPATOTOO

3 Maipakikita natin ang ating pananabik na mangaral sa pamamagitan ng pakikibahagi sa di pormal na pagpapatotoo. Kapag naglalakbay patungo at mula sa pinapasukang trabaho, o kapag nasa palengke, makakasumpong tayo ng maraming pagkakataon upang makapagbigay ng patotoo. Saan man tayo magtungo, makabubuting magdala ng ilang brochure sa ating bag upang may maialok tayo sa mga taong nakakausap natin. Laging mag-ingat ng rekord ng oras na ginamit sa di pormal na pagpapatotoo at tiyaking isama iyon sa inyong ulat.

4 Ang isang kapatid ay nakipag-usap sa isang matandang babae sa lansangan at siya’y inanyayahan na magtungo sa kaniyang tahanan upang magbigay ng karagdagang patotoo. Isang aklat ang nailagay sa kaniya at isang pag-aaral sa Bibliya ang napasimulan. Isa pang kapatid na babae ang nakapansin sa dalawang babae na may Bibliya sa isang pandistritong kumbensiyon na hindi naman binubuksan iyon. Kinausap niya sila at nalamang hindi pala nila alam gamitin ang Bibliya. Sila ay dumalo dahilan sa ang kanilang pari ay nagsalita laban sa kumbensiyon at nais nilang malaman kung totoo nga ang kaniyang sinabi. Sa pamamagitan ng pagkuha sa bawa’t pagkakataon na makipag-usap sa iba, kayo rin ay maaaring magkaroon ng gayong karanasan.

PAGPAPASIMULA NG MGA PAG-AARAL SA BIBLIYA

5 Habang nag-aalok ng brochure sa Agosto, bakit hindi gawing tunguhin na magpasimula ng isang bagong pag-aaral sa Bibliya? Masusumpungan ninyong posible ito sa pamamagitan ng paggamit ng brochure na Tamasahin ang Buhay o Pamahalaan, na binabasa lamang ang ilan bahagi nito sa maybahay at pagkatapos ay isinasaayos na magbalik-muli sa susunod na linggo upang ipagpatuloy ang pag-uusap. Kapag natapos ang brochure, maaaring ilipat ang pag-aaral sa aklat na Mabuhay Magpakailanman. Maging ang ating mga kabataang mamamahayag ay maaaring makapagsimula ng mga pag-aaral sa ganitong paraan.

6 Sapagka’t tayo’y pinagpala na taglayin ang mabuting balita ng Kaharian, pribilehiyo natin na ibahagi ito sa iba. Manalig nawa tayong lahat sa mga pagpapala ni Jehova at sa pagkakaroon ng karagdagang kaligayahan habang ating ginagawa ang ating makakaya na tulungan ang iba na makaalam ng katotohanan sa Agosto.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share