Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 10/86 p. 7
  • Mga Kabataan, Maging Pasulong sa Ministeryo

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Kabataan, Maging Pasulong sa Ministeryo
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1986
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • MGA BAGAY NA MAAARING GAWIN NG MGA KABATAAN
  • Mga Kabataan—Pagalakin ang Puso ni Jehova
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1994
  • Mga Kabataan​—Patibayin ang Inyong Hangaring Maglingkod kay Jehova
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2010
  • Mga Magulang—Sanayin ang Inyong mga Anak sa Paglilingkod sa Larangan
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1986
  • Maliligayang Kabataan sa Paglilingkod kay Jehova
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1990
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—1986
km 10/86 p. 7

Mga Kabataan, Maging Pasulong sa Ministeryo

1 “Purihin ninyo si Jehova . . . , kayong mga binata at gayon din ng mga dalaga, kayong mga matatanda at mga bata.” (Awit 148:7, 12) Ang mga kabataan ay maaaring magdulot ng papuri kay Jehova kung tataglayin nila ang katotohanan. Ito’y nangangahulugan ng pagkakapit ng mga Kristiyanong simulain sa kanilang buhay, pakikibahagi sa mga pulong ng kongregasyon, at pagkakaroon ng lubusang bahagi sa paglilingkod sa larangan.

2 Ang pagpili sa Kristiyanong paraan ng pamumuhay ay nagpapasimula sa pagkuha ng kaalaman sa Diyos. Ito ay umaakay sa pagkakaroon ng personal na kaugnayan kay Jehova. (Awit 71:5) Ang gayong pakikipagkaibigan sa Diyos, kapag ang mga kabataan ang nasasangkot ay nagpapangyari sa kanilang “lumayo sa masasamang pita ng mga kabataan,” na iniiwasan ang di kinakailangang pakikisama sa taga-sanlibutan at sa mga saloobin nito. (2 Tim. 2:22) Ang paglalagay ng mga teokratikong tunguhin, gaya ng pagpapayunir, Bethel, o paglilingkod bilang misyonero, at pagsisikap na maabot ang mga ito ay magpapatibay sa mga kabataan at matatanda, na naglalapit sa kanila kay Jehova.—Kaw. 16:3.

MGA BAGAY NA MAAARING GAWIN NG MGA KABATAAN

3 Mga Kristiyanong kabataan, maaari ninyong mapatibay ang iba sa kongregasyon sa pamamagitan ng palagiang pagkokomento sa mga pulong. Sa paglinang ng mainit na pakikipagsamahan sa lahat anuman ang edad sa kongregasyon, kayo ay magtatamasa ng nakapagpapatibay na asosasyon sa lahat bago at pagkatapos ng mga pulong.—1 Tim. 4:12; ihambing ang Kawikaan 18:1.

4 Nasumpungan ng marami na sa pamamagitan ng pakikibahagi sa gawaing pangangaral sa lingguhang paraan, ito ay nagbigay sa kanila nang higit na kasiyahan. Sinamantala ng iba ang kanilang pagkakataon sa paaralan upang magsalita ng tungkol sa layunin ni Jehova. (Awit 71:17; 145:21) Tunay na ang gayong gawain ay nagpapagalak sa puso ni Jehova.

5 Kayo mga kabataan, maging pasulong sa inyong espirituwal na paglaki. Sa pamamagitan ng lubusang paggawa upang mapasulong ang inyong teokratikong gawain, tataglayin ninyo ang katotohanan. Kung gayo’y makatitiyak kayo ng pagpapala ni Jehova.—Fil. 3:16; 2 Tim. 2:15.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share