Ang mga Bagong Labas sa Kumbensiyon ay Nagsasangkap sa Atin na Gawin ang Kalooban ng Diyos
1 Ang apostol Pablo ay nagpahayag ng pagnanais na sangkapan ng “Diyos ng kapayapaan” ang kaniyang mga lingkod “ng bawa’t mabuting bagay upang gawin ang kaniyang kalooban.” (Heb. 13:20, 21) Ito ang ninanais ng “tapat at maingat na alipin” ngayon. (Mat. 24:45) Hindi ba namalas ito sa “Banal na Kapayapaan” na Pandistritong Kumbensiyon lalo na kung tungkol sa mga bagong labas na mga babasahin? Dapat nating gamitin kaagad ang ‘mabubuting bagay’ na ito sa ating bigay-Diyos na gawain.
2 Sa unang araw ng kumbensiyon, ating tinanggap ang 32-pahinang brochure na “Narito! Ginagawa Kong Bago Ang Lahat ng mga Bagay.” Ito’y nagtataglay ng malaki, madaling basahing titik at maraming ilustrasyon. Ang paggamit ng brochure na “Narito!” sa pagpapasimula ng mga bagong pag-aaral sa Bibliya ay walang alinlangang tutulong sa marami tungo sa daan ng buhay.
3 Ang ikalawang inilabas ay isa pang brochure na pinamagatang Mga Saksi ni Jehova—Nagkakaisang Paggawa ng Kalooban ng Diyos sa Buong Daigdig. Ang paggamit ng brochure na ito ay tinatalakay sa pahina 3.
4 Pagkatapos ng pahayag sa mga hula sa Isaias kabanata 7 hanggang 9, tayo ay tumanggap ng bagong aklat na pinamagatang Worldwide Security Under the “Prince of Peace.” Ang publikasyong ito ay pantanging inihanda para sa pagpapatibay sa bayan ni Jehova. Kung hindi pa ninyo nababasa ito, hinihimok namin kayong basahin ito nang maingat. Ang inyong pagpapahalaga sa paglilingkod kay Jehova ay susulong habang inyong isinasaalang-alang ang katuparan ng dalawang talinhaga ni Jesus sa Mateo 25:1-30. Habang binabasa ninyo ang tungkol sa pagkalaki-laking gawain sa bagong sistema ni Jehova, magkakaroon kayo ng pananabik sa nakalaan sa mga makaliligtas sa Armagedon. Kapag ito ay kinubrehan sa anim na pahayag pangmadla mula sa Pebrero 15 hanggang Marso 22 at sa pag-aaral ng aklat sa kongregasyon pasimula sa Abril 12-18, matutuklasan ninyo ang marami pang espirituwal na kayamanan sa mga pahina ng bagong aklat na ito.
5 May kasiyahan nating napakinggan noong Linggo ng umaga ang bahagi ng bagong cassette tape ng Kingdom Melodies No. 7. Marami ang nasisiyahan sa nakakaaliw na pagsasaayos ng musika nito.
6 Isang nakasisiyang sorpresa sa katapusan ng kumbensiyon na malaman nating ang Samahan ay naghanda ng isang tomo ng Watch Tower Publications Index mula 1930-1985. Tiyak na ito’y makatutulong para sa pagsasaliksik at isang pampasigla para sa ating personal na pag-aaral! Ang bagong Index na ito ay maaari nang pididuhin ngayon, gaya ng ipinaliwanag sa ilalim ng Mga Patalastas.
7 Ang mahahalagang mga kaloob na ito sa pamamagitan ng organisasyon ni Jehova ay nagpapakitang muli na nalalaman ni Jehova kung ano ang ating kailangan upang gawin ang kaniyang kalooban. (Mat. 6:8) Sa pamamagitan ng tapat na alipin tayo ay lubusan niyang sinasangkapan ukol sa gawain sa hinaharap. Ipakita natin ang pagpapahalaga sa pamamagitan ng lubusang paggamit sa maiinam na paglalaang ito.