Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 1/89 p. 1-2
  • Paghahasik ng Binhi ng Kaharian

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Paghahasik ng Binhi ng Kaharian
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1989
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • TAGLAY ANG AKLAT NA WORLDWIDE SECURITY
  • TAGLAY ANG MATATANDANG MGA PUBLIKASYON
  • Manghahasik, Paghahasik
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Paghahasik ng Binhi
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
  • Binhi
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • ‘Ang Diyos ang Nagpapalago Nito’!
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2008
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—1989
km 1/89 p. 1-2

Paghahasik ng Binhi ng Kaharian

1 Ang Awit 126:6 ay nagsasabi hinggil sa paghahasik ng literal na binhi: “Siyang lumalabas . . . na nagdadala ng binhing itatanim, siya’y di sasalang babalik na may kagalakan, na dala ang kaniyang mga tangkas.” Sa Eclesiastes 11:6 ang manghahasik ng binhi ay pinasisigla ng mga salitang ito: “Ihasik mo sa umaga ang iyong binhi at huwag mong iurong ang iyong kamay sa hapon; sapagka’t hindi mo nalalaman kung alin ang tutubo, kung ito o yaon, o kung kapuwa magiging mabuti.”

2 Kapag tayo ay nakikibahagi sa ministeryo sa larangan, tayo rin sa diwa ay nagdadala ng mga tangkas ng binhi ng espirituwal na uri. Ang bisa ng ating paghahasik ng espirituwal na binhi ay nadaragdagan sa pamamagitan ng literatura na nagtatampok ng mabuting balita ng Kaharian. Ang literaturang ito na tumatalakay sa mga paksa na ikinababahala ng maraming mga tao ay nagpapakita kung gaano kahalaga ito para sa kanila upang matutuhan ang tungkol sa Kaharian. Si Jehova, sa pamamagitan ng kaniyang tapat na alipin, ay naglaan sa atin ng isang mainam na suplay ng literatura sa Bibliya na magagamit sa gawaing paghahasik ng binhi ng Kaharian sa panahong ito ng katapusan.

TAGLAY ANG AKLAT NA WORLDWIDE SECURITY

3 Sa Enero at Pebrero ay ating iaalok ang aklat na Worldwide Security sa mga tao sa ating mga teritoryo. Ang paksang ito ay nasa isip ng marami sa ngayon at ang aklat ay naglalaman ng tunay na pag-asa mula sa Bibliya. Kapag gumagamit ng bagong Paksang Mapag-uusapan na “Mga Pagpapala ng Kaharian ng Diyos,” makikita ninyong makabubuting gamitin ang ilustrasyon sa mga pahina 4 at 5 ng aklat. O kaya’y nanaisin ninyong bumaling sa Kabanata 21 na may pamagat na “The Garden of Eden Restored—Earth Wide,” na nagpapakita ng magandang ilustrasyon sa mga pahina 172 at 173. Pinasisigla namin kayong lahat na gamitin ang publikasyong ito sa ministeryo sa larangan sa dalawang buwang kampanya.

TAGLAY ANG MATATANDANG MGA PUBLIKASYON

4 Ang ilang mga kongregasyon ay maaaring mayroon pang mga edisyong newsprint ng matatandang mga publikasyon. Ang iba ay magnanais na pumidido ng mga ito sa Samahan. Pakisuyong tingnan ang talaan ng mga aklat na newsprint na maaaring makuha sa Bethel na nasa ikalawang patalastas sa pahina 3. Nais naming himukin lalo na ang lahat ng mga kongregasyong Hiligaynon, Pangasinan at Samar-Leyte na pumidido ng aklat na Good News to Make You Happy, na maaaring ialok sa ₱2.50 sa kampanyang ito.

5 Bilang isang kahaliling alok, kung may mga kongregasyon na nagtataglay ng matatandang 192-pahinang mga aklat sa stock subali’t hindi newsprint, ang mga ito ay maaaring ialok sa regular na kontribusyon na ₱14.00. Ito’y makatutulong lalo na sa mga teritoryong ang mga tao ay hindi gaanong nagbabasa ng aklat na iniaalok sa wikang Ingles.

6 Habang kayo ay nagtatanim at nagdidilig sa mga binhi ng katotohanan, palaging manalangin ukol sa pagpapala ni Jehova sapagka’t ang ‘Diyos ang nagpapalago.’—1 Cor. 3:6.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share