Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 12/89 p. 5
  • Tanong

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Tanong
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1989
  • Kaparehong Materyal
  • Tanong
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1997
  • Makakristiyanong Burol at Libing—Marangal, Simple, at Nakalulugod sa Diyos
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2009
  • Kristiyanong Pangmalas sa mga Kaugalian sa Paglilibing
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1998
  • Ano ang Paniniwala ng mga Saksi ni Jehova Tungkol sa Burol at Libing?
    Karaniwang mga Tanong Tungkol sa mga Saksi ni Jehova
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—1989
km 12/89 p. 5

Tanong

● Angkop ba para sa isang kapatid na lalake na mangasiwa ng isang seremonya sa patay kung ito’y isang pusakal na kriminal?

Sa pana-panahon ay lumilitaw ang mga katanungan hinggil sa pangangasiwa sa seremonya ng namatay, tulad sa isang di kapananampalatayang kamag-anak ng isang Saksi ni Jehova, na may kakatiting o walang pakikipag-ugnayan sa mga Saksi ni Jehova. Ang isang timbang na pangmalas sa pangangasiwa ng isang seremonya para sa gayong indibiduwal ay iniharap sa The Watchtower ng Hunyo 1, 1977, mga pahina 346-7.

Kung hinihilingang mangasiwa sa libing ng isang taga-sanlibutan na kilala bilang isang pusakal na manggagawa ng kasamaan, dapat tayong tumanggi sapagka’t iyon ay magbibigay ng negatibong larawan kay Jehova at sa kaniyang organisasyon.—Kaw. 18:3.

Ano naman ang tungkol sa isang di naaalay na tao na nakagawa ng kasamaan sa nakalipas na panahon? May pagkakaiba ang isa na nagpatuloy sa pamumuhay sa kasalanan at ang isa na nabuhay sa di kaayaayang paraan noong una subali’t nagbago sa paraang espirituwal at nagsikap na magsuot ng bagong pagkatao. (Roma 12:2; Efe. 4:17, 20-24) Ang indibiduwal ay maaaring hindi pa nag-alay at nabautismuhang Kristiyano na lumalakad nang matuwid at malinis. (1 Cor. 6:9-11; Apoc. 7:9, 10) Subali’t maaaring siya’y kumukuha ng mga hakbanging baguhin ang kaniyang buhay, at ito ay maaaring isaalang-alang kung may kahilingang pangasiwaan ang kaniyang libing. Kung nadarama ng mga matatanda na hindi ito makagagambala sa kapayapaan at pagkakasundo ng kongregasyon o kaya’y hindi magdudulot ng upasala sa bayan ni Jehova, walang masama kung magbibigay ang isang matanda ng pahayag kung ang kaniyang budhi ay nagpapahintulot sa kaniyang gawin iyon.—1 Cor. 10:23, 24, 29, 32, 33.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share