Kailangan Ko Bang Laging Magbago?
Ang bawat isyu ng Ating Ministeryo sa Kaharian ay naglalaan ng sari-saring presentasyon na maaari nating gamitin kapag nagpapatotoo. Maraming mga mamamahayag ang nananabik na matuto ng bagong mga idea at gamitin ang iba’t ibang paglapit. Ang Ating Ministeryo sa Kaharian ay naglalaan nito sa pamamagitan ng pagbibigay ng ilang mga mungkahi bawat buwan.
Gayunpaman, maaaring madama ninyo na hindi naman kailangang laging baguhin ang inyong ginagamit. Sa isang yugto ng panahon, marahil ay nakabuo kayo ng isang presentasyon na kinagigiliwan ninyong gamitin, at nagtatamo kayo ng mabubuting resulta mula roon. Maaaring kayo’y gumagamit ng isa o dalawa lamang teksto, gaya ng 2 Pedro 3:13 o Apocalipsis 21:4. Kung gayon, hindi na kailangan pang palitan ninyo ito ng iba pa. Ang ating pangunahing tunguhin ay ang ibahagi ang pag-asa ng Kaharian sa iba. Kung kayo ay may sariwa at nakakaakit na presentasyon na mas gusto ninyong gamitin at kayo ay nagtatamo ng mabuting pagtugon dito, huwag kayong mag-atubiling gamitin iyon.