Teokratikong mga Balita
Angola: Noong buwan ng Disyembre, ang nailagay na kabuuang magasin ay sumulong ng mahigit sa 10,000 kaysa sa nakaraang peak. Ang 21,965 mga mamamahayag ay nagdaraos ng 60,691 mga pag-aaral sa Bibliya.
Equatorial Guinea: Ang 219 na mga mamamahayag ay nasiyahan sa programa ng kanilang pantanging araw ng asamblea noong Disyembre. Nagkaroon ng peak sa bilang ng mga dumalo na 521 at 7 ang nabautismuhan.
Guatemala: Ang 13,243 mga mamamahayag noong Disyembre ay nagalak na makitang 32,911 ang dumalo sa kanilang “Banal na Pagtuturo” na mga Pandistritong Kombensiyon. May 597 nabautismuhan sa mga kombensiyong iyon.
Latvia: Ang gawain ay patuloy na sumusulong sa Latvia. Noong nakaraang Disyembre isang peak na 577 mga mamamahayag ang nag-ulat. Isang kabuuang 1,816 na mga pag-aaral sa Bibliya ang idinaos at ang mga mamamahayag ng kongregasyon ay nakapamahagi ng mga magasin sa aberids na 20.5 bawat isa.