Tanong
◼ Ano ang dapat gawin ng kalihim kapag ang isang regular payunir ay lumipat sa kongregasyon?
Dapat pahiwatigan ng kalihim ang Samahan, na ginagamit ang espasyong inilaan sa likod ng Congregation Report (S-1). Dapat na sulatan din kaagad ng kalihim ang dating kongregasyon ng payunir at hilingin ang Publisher Record card (S-21) lakip na ang isang sulat hinggil sa kaniya mula sa Komite sa Paglilingkod ng Kongregasyon.
Kapag ang isang payunir ay lumipat, kadalasang siya’y nahihirapang gumawa ng pagbabago at magsaayos ng isang mabuting eskedyul sa paglilingkod. Pahahalagahan ng payunir ang tulong na gagawin ng mga matatanda para maging madali ang paglipat niya sa bagong kongregasyon.
Paalaala: Ang kalihim ay gumagawa ng bagong Pioneer Service Identification card (S-202) para lamang sa mga payunir na lumilipat ng kongregasyon sa loob mismo ng Pilipinas. Ang mga payunir na nawalan ng kanilang card, nagbago ng kanilang pangalan dahilan sa pag-aasawa, o lumipat mula sa ibang bansa, ay dapat na tumanggap ng kanilang bagong card mula sa Samahan, hindi sa kalihim. Ang kalihim o ang payunir ay dapat na sumulat sa Samahan, ipaliwanag ang situwasyon, at humiling ng isang bagong card.