Ang Patuloy na Pagsulong ay Humihiling na Gawing Payak ang mga Pamamaraan
1 Ang pambungad na mga salita sa Isaias kabanata 54 ay nananawagan sa tulad asawang organisasyon ni Jehova na maghanda para sa nakagagalak na mga pagsulong. Ang paglaki, paglawak at pagpapanibagong lakas ay nasa harapan. Ang katuparan ng kapanapanabik na hulang iyon ay nagbunga ng pambihirang paglawak ng tunay na pagsamba na ating nakikita ngayon habang pinabibilis ni Jehova ang gawaing pagtitipon.—Isa. 54:1-4; 60:22.
2 Ang organisado bang bayan ni Jehova ay makakaalinsabay sa bigay-Diyos na pagsulong sa panahong ito? Ang naging bunga ng pagpapala ni Jehova ay naglalagay ng isang hamon na kailangang harapin, at tayo ay naliligayahang makita na ipinagkakaloob ni Jehova sa kaniyang bayan ang kinakailangang espiritu ng karunungan at kaunawaan. (Col. 1:9, 10) Dapat nating sang-ayunan na sa pamamagitan ng tapat na uring “alipin” ay mabisang pinamamatnugutan ni Jesu-Kristo ang mga bagay-bagay ukol sa katuparan ng layunin ni Jehova sa isang kamangha-manghang paraan.—Mat. 24:45-47.
ANG PAGIGING PAYAK AY KAILANGAN
3 Ang pinakamalaking salik sa paglutas sa mga lumilitaw na suliranin dahilan sa mabilis na pagsulong ay ang gawing payak ang mga pamamaraan. Naipamalas ng nakikitang organisasyon ang pagiging gising sa mahalagang katotohanang ito. Sa nakaraang mga taon ating nakita na maraming bagay ang ginawang payak hinggil sa tuluyan at mga kaayusan sa pagpapakain sa kumbensiyon, mga pidido at pagpapadala ng mga literatura, pagkuha sa suplay ng kongregasyon, paanyaya sa Memoryal, handbills, at mga programa sa pansirkitong asamblea. Ang mga mamamahayag, mga payunir, mga kongregasyon, matatanda at mga ministeryal na lingkod ay pawang nakinabang nang malaki.
4 Lumilitaw na landasin ngayon ng katalinuhan at mabuting pagpapasiya na iharap ang karagdagang payak na pamamaraan. Nagtitiwala kami na ang mga ito rin ay pagpapalain ni Jehova, yamang ang mga ito ay magpapangyari na harapin ang mga karagdagang pagsulong ukol sa kaniyang kapurihan.
ANO ANG NAGING KAHULUGAN NG PAGSULONG
5 Sa nakaraang ilang mga taon, nakita natin ang namumukod-tanging pagsulong sa bilang ng mga kongregasyon. Nagkaroon ng lalo pang higit na pagsulong sa bilang ng mga payunir. Sa nakaraang apat na taon lamang 235 mga bagong kongregasyon ang naorganisa, at ang bilang ng mga regular payunir ay sumulong ng mahigit sa 100 porsiyento! Ngayon ay mahigit sa 10,000 mga regular payunir at mahigit sa 2,500 kongregasyon ang nag-uulat ng kanilang paglilingkod sa larangan buwan-buwan. Gaano kapanapanabik makita na ang ating mga kapatid na lalake at babae saan mang dako ay napasisiglang pasulungin ang kanilang gawain sa pag-aani at na libu-libo ang nakapasok sa paglilingkurang payunir!—Mat. 6:33.
6 Upang maisaayos ang dami ng gawain na dinadala ng pagsulong na ito, ang pagiging payak ay higit pang kailangan. Napakalaking panahon ang ginagamit sa pagpapasok sa humigit-kumulang sa 13,000 ulat ng kongregasyon at bawa’t regular payunir sa rekord ng Samahan bawa’t buwan. Nagkaroon din ng malaking pagsulong ang sulat na tinatanggap mula sa mga kongregasyon at payunir. Dahilan sa pagdaming ito ng bilang ng mga sulat, hindi laging nasasagot nang mabilis ang mga mahahalagang sulat gaya ng nais namin lalo na sa mga panahong magawain sa loob ng isang taon. Ang pangangailangang gawing payak ang ilang mga pamamaraan upang ang aming pagsisikap at panahon ay magamit sa pinakamabuting paraan ay maliwanag na kailangan.
PINAGING PAYAK NA KAAYUSAN SA PAG-UULAT
7 Ang pinakapayak na paraan sa pagkuwenta ng ulat ng mga regular payunir at pagpapadala sa Samahan ay magkakabisa sa Setyembre 1, 1986. Ito, kalakip ng binagong kaayusang pang-organisasyon ay naipaliwanag na sa mga matatanda. Ang impormasyong inilaan sa insert na ito ay dapat na makatulong sa lahat na maunawaan ang pinaging payak na kaayusan na makakaapekto sa paraan ng pag-uulat ng mga payunir ng kanilang paglilingkod sa larangan. Sa pamamagitan ng pagiging lubusang pamilyar sa sinasabi dito, makikita kaagad ng mga matatanda at payunir ang mga kapakinabangan nito sa kanilang sarili at sa Samahan, at dapat na masunod kaagad ang lahat ng mga pamamaraang ito kapag gumagawa ng ulat para sa paglilingkod sa larangan sa Setyembre.
8 Ang buwanang Regular Pioneer Report form (S-200) ng indibiduwal ay hindi na ipadadala sa Samahan; kaya hindi na nagpadala nito sa mga kongregasyon para sa 1987 taon ng paglilingkod. Pasimula sa mga ulat sa buwan ng Setyembre, 1986, ang lahat ng mga regular payunir ay gagamit ng Field Service Report form (S-4) kapag nag-uulat ng kanilang paglilingkuran sa kongregasyon. Ang kahilingang oras para sa mga regular payunir ay kinukuwenta nang taunan. Patuloy na maingat na itatala ng kalihim ng kongregasyon ang paglilingkod sa larangan ng payunir bawa’t buwan sa Congregation’s Publisher Record card (S-21). Sa pamamagitan nito ay makatitiyak na ang kongregasyon ay mayroong tumpak na ulat ng payunir sa kabuuang oras, nailagay na babasahin, at iba pang gawain sa katapusan ng taon ng paglilingkod. Kapag hindi naabot ng payunir ang tunguhin sa oras para sa isang buwan, dapat niyang tiyaking masabi ang dahilan sa likod ng kaniyang ulat sa S-4, gaya ng kaniyang ginagawa noon sa S-200 Regular Pioneer Report form. Ilalagay ng kalihim ang dahilang ito sa hanay na “Remarks” ng Congregation’s Publisher Record card. Gaya ng ipakikita sa insert na ito, may paglalaang gagawin upang pahiwatigan ang Samahan ng kabuuang oras ng bawa’t payunir sa katapusan ng taon ng paglilingkod, at sa anumang dahilan ng hindi pag-abot sa kahilingan sa oras na nakalagay sa ulat na iyon.
9 Patuloy na magpapadala ang kalihim ng kongregasyon ng Congregation Report (S-l) sa Samahan bawa’t buwan, kagaya ng kaniyang ginagawa. Ang ulat ay magpapakita ng kabuuang paglilingkod sa larangan ng mga mamamahayag, auxiliary payunir, at regular payunir. Hindi ito nagbago. Ang isang bahagi ng ulat na magkakaroon ng pagbabago ay ang pagkakaroon ng lugar sa likod ng S-l para pahiwatigan ang Samahan hinggil sa paglipat ng payunir ng kongregasyon o kung may pagbabago sa pangalan, tulad ng pag-aasawa ng isang payunir na babae. Noong una, pinahihiwatigan ng mga payunir ang Samahan sa pagbabago ng kanilang kongregasyon o ng pangalan sa pamamagitan ng paglalagay nito sa likod ng kanilang ulat. Ngayon ang kalihim ang siyang may pananagutan na magpahiwatig sa amin ng mga pagbabago sa pamamagitan ng paglalagay niyaon sa likod ng Congregation Report. Kapag iniulat ang isang pagbabago ng pangalan, ang Watch Tower Identification and Assignment card (S-202) ng payunir ay dapat na ibalik ng kalihim, at ang Samahan ay magpapadala ng isang bagong card sa payunir na nagpapakita ng ginawang pagbabago.
10 Sa katapusan ng taon ng paglilingkod, patuloy na magpapadala ang kalihim ng Congregation Analysis Report (S-10) sa Samahan kagaya nang nakaraang mga taon. Pasimula sa Setyembre, itatala ng kalihim sa likod ng S-10 ang mga pangalan ng lahat ng mga aktibong regular payunir hanggang sa Setyembre 1 na ibinibigay ang kabuuan ng kanilang oras sa sunod-sunod na buwan ng kanilang pagpapayunir hanggang sa katapusan ng taon ng paglilingkod.
11 Sa panahong ito malamang na ang mga kongregasyon ay tumanggap na ng suplay ng pinaging payak na Application for Regular Pioneer Service form (S-205). Hinihiling na yaon lamang rebisadong aplikasyon ang gamitin. Kasama ng bagong atas sa payunir, kami ay magpapadala ng blangkong aplikasyon upang may magamit sa tuwina ang kongregasyon.
HIGIT NA PERSONAL NA TULONG ANG IBIBIGAY
12 Ang buong lupon ng matatanda, lalo na ang Congregation Service Committee ay magnanais magkaroon ng personal na interes sa mga payunir. Ang sumusunod na mga tanong ay makatutulong sa mga matatanda na magbigay ng tulong sa mga payunir: Sila ba ay mabisa sa karamihang bahagi ng ministeryo, o sila’y nangangailangan ng pagsasanay sa pagdalaw-muli o pag-aaral sa Bibliya? Sila ba’y nagpapamalas ng bunga ng espiritu, na gumagawang magkakasama sa kapayapaan at pagkakasuwato? (Roma 14:19) Mayroon ba sa kanilang nangangailangan ng tulong sa paggawa ng isang praktikal na eskedyul? Nakikita ba ang isang mabuting ugali sa pag-aaral, at ang mga payunir ba ay nakikibahagi sa mga pulong? Ang mga matatanda na interesado sa paggawa ng lahat ng kanilang makakaya upang tumulong sa mga payunir, ay uunawain ang mga pangangailangan at kalagayan ng mga payunir at makikipag-usap sa kanila nang palagian.
13 Ang maibiging interes ng mga matatanda sa kapakanan ng mga payunir ay lubusang pinahahalagahan. Sa kanilang sulat sa Samahan, kadalasang inilalakip ng mga payunir sa kanilang komento kung papaano nila pinasasalamatan ang pagkakaroon ng maibiging lupon ng mga matatanda na may lubusang pagkabahala sa kanila. Kadalasan, ito ay nagpangyari sa kanila na manatili sa pambuong-panahong paglilingkuran.
14 Inaasahan na pananatilihin ng mga matatanda ang mataas na mga pamantayang inilagay para sa mga payunir, lakip na ang kahilingan sa oras. Sa gayunding panahon, kapag ang payunir ay nakakaranas ng pansamantalang problema dahilan sa hindi pag-abot sa kaniyang oras, ang gising na mga matatanda ay kaagad magbibigay ng tulong sa halip na sabihing ang payunir ay aalisin kapag hindi sumulong sa puntong ito. Hindi nila dapat pahintulutang lumawig ang problema sa maraming buwan bago magbigay ng tulong; kung hindi, maaaring masyadong bumaba ang oras ng payunir at masiraan ng loob at magnais na huminto na.
15 Ang problema ba ay maaaring malutas sa ilang buwan lamang? Kung gayon, papaano makatutulong ang mga matatanda? Kung ito ay isang personal na problema na dapat asikasuhin ng payunir mismo, maaaring pasiglahin ng mga matatanda ang kaniyang espiritu sa pamamagitan ng pagbibigay ng pampatibay loob at komendasyon kasama ng praktikal na payo.
16 Dapat na mag-ingat ang mga matatanda na hindi masangkot sa personal o pampamilyang mga bagay kung ang kanilang tulong ay hindi naman kinakailangan. Gayumpaman, kung ang problema ay maselang at waring hindi maaabot ng payunir maaaring magpasiya ang mga matatanda na makabubuti sa payunir na alisin muna sa talaan hanggang malutas ang problema.
17 Sa halip na sumulat sa Samahan, dapat na kausapin ng mga payunir ang mga matatanda sa anumang napapaharap na suliranin. Kadalasan kapag ang karagdagang tulong ay kailangan, makabubuting ang mga matatanda ang sumulat. Sa panahon ng dalaw ng tagapangasiwa ng sirkito, dapat na malaya ang mga payunir na lumapit sa kaniya ukol sa mga bagay na maaaring makaapekto sa kanilang paglilingkuran bilang payunir. Ang pagsunod sa kaayusang ito ay nagdudulot ng maraming kapakinabangan. Personal na nakikilala ng mga matatanda ang indibiduwal. Nasa kalagayan sila upang maunawaan ang kaniyang personalidad at kaisipan—_maging siya ay masipag o tamad, disiplinado o may pagka di organisado. Nababatid nila ang kalagayan ng kaniyang pamilya, ng kaniyang kalusugan, ng eskedyul ng trabaho, at iba pang salik na nakakaapekto sa kaniyang kakayahang magpayunir. Naniniwala kami na ang mga matatanda ay nasa pinakamabuting kalagayan upang matiyak kung baga ang isa ay dapat patuloy na magsikap sa pagpapayunir o kung kakailanganing huminto na siya sa buong panahong paglilingkuran sa kasalukuyan.
18 Kung pagkatapos makipag-usap sa payunir, natiyak ng mga matatanda na ang problema ay pansamantala lamang at maaaring makabawi siya sa kakulangan sa oras bago matapos ang taon ng paglilingkod, wala ng kailangan pang gawin kundi ang magbigay ng pampatibay-loob at nakatutulong na mga mungkahi. Subali’t kung ang payunir ay napaharap sa di pangkaraniwang kalagayan na doo’y wala siyang magagawa, anupa’t hindi na niya napagtatakpan ang nawalang oras sa katapusan ng taon ng paglilingkod, dapat na magpasiya ang mga matatanda kung bibigyan siya ng pantanging konsiderasyon gaya ng binabanggit sa mga parapo 18-20 ng Mayo 1978 insert ng Ating Paglilingkod sa Kaharian. Kung makita nilang may saligan para ipagkaloob ang pantanging konsiderasyon, maaari nilang ilagay ito sa Congregation’s Publisher Record card at pasiglahin ang payunir na magsikap upang maabot ang kahilingan sa oras mula sa panahong iyon na hindi na nababahala pa sa kakulangan. Kapag napagpasiyahan ng mga matatanda na ang problema ay magtatagal at ang kalagayan ay humihiling na huminto na sa pagpapayunir ang isa sa kasalukuyan, dapat nilang pahiwatigan ang Samahan sa bagay na ito sa pamamagitan ng pagpapadala ng angkop na porma. Sa mga kalagayan lamang na hindi matiyak ng mga matatanda ang aplikasyon ng sinasabi ng insert magkakaroon ng pangangailangan para sa Congregation Service committee na sumulat sa Samahan para sa karagdagang impormasyon. Dapat na magbigay sila ng detalye ng problema, lakip na ang oras sa paglilingkod sa larangan ng payunir para sa kasalukuyang taon ng paglilingkod.
19 Sa katapusan ng bawa’t taon ng paglilingkod, kapag inililista ang mga pangalan ng lahat ng mga regular payunir at ng kabuuan ng kanilang oras sa paglilingkod sa larangan para sa taon sa likod ng Congregation Analysis Report, ang Congregation Service Committee ay dapat na gumawa ng maikling sulat na ibinibigay ang mga dahilan kung bakit hindi naabot ng sinumang payunir ang kahilingan sa oras para sa taon. Dapat na magkomento hinggil sa pagsulong na maaaring magawa ng payunir sa kasalukuyang bagong taon ng paglilingkod. Walang kasagutang ibibigay sa gayong mga komento malibang madama ng Samahan na may pangangailangan para dito.
20 Hinihilingan din namin ang mga tagapangasiwa ng sirkito na magbigay ng higit na atensiyon sa mga pangangailangan ng mga payunir. Maikli lamang ang dalaw ng tagapangasiwa ng sirkito sa kongregasyon anupa’t maaaring hindi niya mabigyan ng malaking panahon ang bawa’t payunir. Gayumpaman, sa pamamagitan ng kaniyang pagsusuri ng mga rekord, pakikipagpulong sa mga payunir, at pagsama sa kanila sa paglilingkod sa larangan, makikita niya kung saan nangangailangan ng tulong at pampatibay loob. Siya ay gagawa sa ministeryo sa larangan kasama ng maraming payunir at mamamahayag hangga’t ipinahihintulot ng kaniyang eskedyul. Kung napakarami ang payunir, maaaring gumawa siya kasama ng ilan sa isang pagdalaw at kasama ng iba pa sa susunod niyang dalaw. Sasabihin niya sa mga matatanda ang anumang obserbasyon na taglay niya para doon sa mga nangangailangan ng tulong at magbibigay ng mungkahi kung ano ang maaari nilang gawin upang tulungan ang payunir na sumulong.
KAYO BA AY KUWALIPIKADONG MAGLINGKOD BILANG REGULAR PAYUNIR?
21 Upang maging kuwalipikadong maglingkuran bilang regular payunir, ang indibiduwal ay dapat na bautisado ng hindi kukulangin sa anim na buwan at isang palagiang mamamahayag. Dapat na nasa kalagayan siyang maabot ang taunang kota na 1,000 oras sa paglilingkod sa larangan. Mahalaga din na taglay niya ang mabuting moral at siya mismo ay isang huwaran bilang isang Kristiyano. (om pp. 113-14) Ano ang saklaw nito? Anong mga katangian ang nararapat na hanapin ng mga matatanda sa isang aplikante sa pagpapayunir?
22 Ang huwarang asal ay nangangahulugan ng pagiging malinis sa katawan at espiritu. Ang isang tao na sinang-ayunan para sa paglilingkurang payunir ay dapat na nagtataglay ng reputasyon para sa mainam na asal Kristiyano sa loob at labas ng kongregasyon. Siya’y buong puso at lubusang nakatalaga kay Jehova. Ang bunga ng espiritu ng Diyos ay dapat na namamalas sa kaniyang buhay. Dapat na ang pinakapangunahing interes ng payunir ay ang pagpapatotoo sa Kaharian at paggawa ng alagad. Dapat na mabisa niyang nagagamit ang Bibliya sa bahay-bahay, pagdalaw-muli sa mga nagpakita ng interes, at makapagpasimula’t makapangasiwa ng mga pag-aaral sa Bibliya. Ang mga payunir ay dapat na lubusang makikipagtulungan sa lupon ng matatanda sa paglilingkod sa larangan at sa mga kaayusan sa pagtitipon.
23 Isang buong taon ang dapat na palipasin mula sa paggagawad ng pagsaway o mula sa pagbabalik pagkatapos matiwalag ang isa bago maisaalang-alang sa pagiging auxiliary o regular payunir. Karagdagan pa, ang isang tao na nasa ilalim ng anumang restriksiyon sa kasalukuyan ng hukumang komite ay hindi kuwalipikado sa pribilehiyo ng paglilingkuran bilang payunir hangga’t hindi naaalis ang mga restriksiyon.
24 Kailangan ba ang ilang buwan ng pagiging auxiliary payunir bago mairekomenda ang isa bilang regular payunir? Hindi. Gayumpaman, ang pananatili sa eskedyul ng isang regular payunir ay kadalasang nagiging madali kapag ang isa ay nakapaglingkuran na bilang isang auxiliary payunir. Nanaisin ng mga matatanda na makatiyak na ang isa na nag-aaplay ay palagiang mag-uulat ng 90 oras bawa’t buwan at maaabot ang kahilingang 1,000 oras sa katapusan ng taon ng paglilingkod. Ang mga kahilingan na hindi ibinigay ng Samahan ay hindi dapat ipatupad.
25 Kapag pinunan ng isang miyembro ng kongregasyon ang isang Application for Regular Pioneer Service at ibinigay iyon sa punong tagapangasiwa para aprobahan, ang Congregation Service Committee ay dapat na magsaalang-alang kaagad niyaon. Ang aplikasyon ay hindi dapat antalahin sa pamamagitan ng paghihintay sa isa sa mga matatanda na maaaring wala sa loob ng isa o dalawang linggo. Ang ibang matanda ay maaaring pumalit sa kaniya. Kapag inaprobahan ng Congregation Service Committee ang aplikasyon, dapat na pahiwatigan ang lupon ng matatanda bago ipadala ang aplikasyon upang maisaalang-alang ang anumang karagdagang obserbasyon ng ibang matatanda.
26 Ang rebisadong Application for Regular Pioneer Service form ay humihiling na ibigay ng mga matatanda ang aberids na paglilingkod sa larangan ng indibiduwal sa nakaraang anim na buwan. Dapat na tiyakin ng mga matatanda na maaabot ng aplikante ang kahilingan sa oras sa regular na paraan. Ang aberids ng mamamahayag sa anim na buwan ay makapagbibigay ng saligan kung ano ang magagawa niya sa matagal na panahon. Kung ang isa o dalawang buwan ay masyadong mataas kaysa iba dahilan sa di pangkaraniwang pagsisikap na ginawa sa mga buwang iyon, ito ay dapat na isaalang-alang. Sa ibang salita, ang mga matatanda ay dapat na magkaroon ng pangkalahatang pangmalas sa gawain sa anim na buwan ng isa na magpapayunir. Maaaring mataas ang aberids niya sa oras subali’t kung kaunti lamang ang kaniyang nagagawa sa ministeryo, maaaring imungkahi ng mga matatanda na pasulungin niya ang larangan ng kaniyang ministeryo na nangangailangan ng pagsulong bago magpatala bilang isang payunir. Kung hindi masasang-ayunan ng mga matatanda ang aplikasyon sa panahong matanggap nila iyon, makabubuting tiyak na ipabatid sa kaniya na hindi nila maipadadala ang aplikasyon at ipaliwanag ang dahilan. Dapat na ipaliwanag ng mga matatanda kung ano ang dapat niyang pasulungin upang maging kuwalipikado. Kung sa bandang huli ay nadama ng mga matatanda na maaari na nilang sang-ayunan ang aplikasyon at ang orihinal na aplikasyon ang gagamitin, ang hiniling na petsa ng pagpapasimula ay dapat baguhin.
SULONG TAGLAY ANG SIGASIG!
27 lyo’y noong 1962 nang ang pagbabago ay ginawa upang ang mga regular payunir ay mapasailalim ng kaayusan ng kongregasyon. Ang hakbangin bang iyon ay pinagpala ni Jehova? Kung ang ating paglago mula sa pambuong daigdig na buwanang aberids na 33,560 regular at “vacation” payunir noong 1962 tungo sa 322,821 regular at auxiliary payunir noong 1985 na taon ng paglilingkod ang pagbabatayan, iisa lamang konklusyon ang maaaring magawa. Oo, mayamang pinagpapala ni Jehova ang mga kaayusan na dinisenyo upang tulungan ang mga payunir at mapasulong ang mga kapakanan ng Kaharian. Ngayon tayo ay may pagtitiwala na kaniyang pagpapalain ang karagdagang mga pagbabago na ating tinalakay sa nakaraang mga parapo. Sinabi ni Jesus: “Ang karunungan ay inaaring-ganap ng kaniyang mga gawa.” (Mat. 11:19) Gaano katotoo ito hinggil sa patuloy na pagsisikap na gawing payak ang mga kaayusan at pamamaraan ng organisasyon sa nakaraang mga taon upang mapaglaanan ang mabilis na dumaraming bilang ng “lubhang karamihan” na tinitipon sa dalisay na pagsamba kay Jehova.—Apoc. 7:9; Isa. 54:2.
28 Ang masisigasig na mga payunir ay isang tunay na pagpapala sa mga kongregasyon. Sila ay isang maningning na bahagi ng sagot sa ating taus-pusong panalangin sa “Panginoon ng aanihin” para sa karagdagang manggagawa sa mga huling araw na ito na lubhang malaki ang aanihin. (Mat. 9:37, 38; Juan 4:35, 36) May katapatan nawang gawin ng bawa’t isa kung ano ang nasa kapangyarihan niya upang mapalakas ang mga kamay niyaong lahat na nagbago ng kanilang kalagayan upang makapaglingkod sa ranggo ng mga payunir. (Kaw. 3:27) Anong kaligayahan ang patuloy na idudulot nito sa atin habang may pagkakaisa tayong lumuluwalhati sa ating makalangit na Ama sa pamamagitan ng ‘pagluluwal ng maraming bunga at kung gayo’y mapatunayang tayo’y mga alagad ni Kristo’!—Juan 15:8.