Pagpapakita ng Pagpapahalaga sa Paglilingkurang Payunir
1 Pinatibay ni Jesus ang kaniyang mga alagad na “idalangin ninyo sa Panginoon ng aanihin na magpadala siya ng mga manggagawa sa kaniyang aanihin.” (Mat. 9:37, 38) Ang ilan ay nagpapakita ng pagpapahalaga dito sa pamamagitan ng paggawa nang higit pa sa gawaing pagpapatotoo. Sa Pilipinas noong 1985 taon ng paglilingkod, nagkaroon ng aberids na 5,683 mga auxiliary payunir bawa’t buwan. Ang pinakamataas ay ang buwan ng Abril, 1985 nang 18,942 ang nakibahagi. Sabihin pa, inaasahan namin na malampasan ang 20,000 sa pantanging buwang ito ng Abril, 1986. Mahigit na 9,000 ngayon ang naglilingkuran bilang mga regular payunir at sa bawa’t buwan ay patuloy na dumarami ang sumasama sa ranggo ng mga payunir.
2 Ano ang ilan sa mga pagpapala na natatamo niyaong nagpapalawak ng kanilang bahagi sa ministeryo sa pamamagitan ng pagpapayunir? Ang pag-iisip at pagsasalita ng tungkoi sa Salita ng Diyos ay isang namumukod-tanging kapakinabangan sa ganang sarili. Ang pagsulong ng kanilang oras sa larangan ng paglilingkod tungo sa 90 oras bawa’t buwan ay kadalasang nagiging dahilan sa pagkakasumpong ng maraming taong interesado, paglalagay ng mas maraming literatura, pagsasagawa ng mas maraming pagdalaw-muli, at pagbubukas ng mas maraming pag-aaral sa Bibliya. Ito ay nangangahulugan ng pagkakaloob ng higit na espirituwal na bagay, pagtulong sa higit na maraming tao na maging mga alagad ni Kristo. Kaya ang pakikibahagi sa paglilingkod bilang payunir ay nagdudulot ng karagdagang kaligayahan.—Gawa 20:35.
MAGPATIBAY SA MGA PAYUNIR
3 Hindi nakapagpapayunir ang lahat, subali’t tayong lahat ay kailangang magpakita ng pagpapahalaga para sa paglilingkurang payunir at patibayin ang mga nakapagpapayunir. Papaano maisasagawa ito? Maaari nating isaayos na gumawang kasama ng mga payunir sa bahay-bahay at sumama sa kanila sa mga pagdalaw-muli. Kadalasa’y walang makasama ang mga payunir sa gawain sa bandang hapon. Maaari ba ninyong isaayos ang inyong eskedyul upang gumawa kasama ng mga payunir sa panahong yaon?
4 Ang pampatibay at pampalakas-loob ay mahalaga. Ang isang naglalakbay na tagapangasiwa ay nag-ulat na hindi ang lahat ay nakapagpapatibay sa kanilang komento sa mga payunir. Dapat nating kilalaning lubusan ang kahalagahan ng pagpapayunir at ipakita ang pagpapahalaga sa kanilang mga pagsisikap. Dapat na patuloy nating patibayin ang ating pag-ibig sa ministeryo sa larangan at sa paglilingkurang payunir.
5 Dapat na ipakita ng mga nasa paglilingkurang payunir ang kanilang tunay na pagmamahal sa kanilang pribilehiyo sa pamamagitan ng ‘lubusang pagsisikap’ sa gawain ni Jehova. (Luk. 13:24) Dapat na maabot ang kahilingan sa oras. Kadalasa’y kailangang gumawa ng pagsasakripisyo upang makapagpatuloy bilang isang payunir. (Heb. 13:15) May pangangailangang umalinsabay sa espirituwal na pagkain na inilalaan ng tapat at maingat na alipin upang makapanatiling malakas sa espirituwal. Ang lahat ng ito ay nangangailangan ng malaking pagsisikap at mabuting pagpaplano, gaya ng pinatutunayan ng matatagumpay na mga payunir.
6 Dahilan sa pagmamalasakit doon sa mga “nagbubuntong-hininga at nagsisidaing” dahilan sa lumulubhang kalagayan sa daigdig, at dahilan sa kalapitan ng panahon, ang lahat ng mga lingkod ni Jehova ay dapat na taimtim na isaalang-alang ang pagpasok sa paglilingkurang payunir. (Ezek. 9:4) Magagawa ba ninyo ito? Maglilingkod ba kayo bilang isang payunir sa Abril? Maaari bang ipagpatuloy ninyo iyon hanggang Mayo, na may limang Sabado, at sa Hunyo na may limang Linggo? Maaaring masiyahan kayo sa pagiging auxiliary payunir anupa’t kayo ay maaaring magpatala bilang isang regular payunir. Kung gayon, tatamasahin ninyo ang lalong malaking pagpapala mula kay Jehova dahilan sa inyong pagsisikap.—Awit 34:8.