Maghanda Para sa Memoryal
Ang bawat isa ba, lakip na ang tagapagsalita, ay napatalastasan sa tiyak na oras at dako ng pagdiriwang? Alam ba ng tagapagsalita na ang programa ay hindi dapat lumampas sa 45 minuto?
May inatasan na ba sa pagkuha ng mga emblema? (Tingnan Ang Bantayan ng Pebrero 15, 1990, mga pahina 16-18.) May ginawa na bang kaayusan para sa mesa na may malinis na mantel at sapat na kopa at plato?
Nagawa na ba ang mga plano upang linisin ang Kingdom Hall bago at pagkatapos? May naatasan na bang mga attendant at mga tagapagsilbi? May pulong na bang naka-iskedyul sa kanila para suriin ang kanilang mga tungkulin bago ang Memoryal? Anong kaayusan ang susundin upang makatiyak na ang lahat ay mapagsisilbihan nang mahusay?
Nakagawa na ba ng mga kaayusan upang tulungan ang may edad at may kapansanang mga kapatid na lalaki at babae upang makadalo?