Bagong Programa ng Pansirkitong Asamblea
1 Pasimula sa Pebrero, 1996, ang tema para sa pansirkitong asamblea ay “Makinig at Matuto Upang Maisakatuparan ang Salita ng Diyos.” Ang temang ito, na salig sa Deuteronomio 31:12, 13, ay naglalaan ng isang angkop na saligan para sa buong programa upang itampok ang mga leksiyon na kailangan nating matutuhan at ikapit.
2 Bagaman ang karamihan sa mga tao sa ngayon ay nakikinig sa nagliligaw na mga kinasihang kapahayagan, mahalaga para sa bawat isa sa atin na makinig sa Salita ng Diyos at matuto upang maisakatuparan iyon. (Luc. 11:28; 1 Tim. 4:1) Taglay ito sa isipan, ang programa ng pansirkitong asamblea ay dinisenyo upang maglaan ng pampatibay-loob at tulong sa mga mamamahayag, mga pamilya, mga matatanda, at mga payunir. Sa Sabado, magkakaroon ng apat na bahaging symposium sa paksang “Pananagumpay sa Ating mga Suliranin—Sa Pamamagitan ng Pagbibigay-pansin sa Salita ng Diyos.” At sa Linggo ng umaga, magkakaroon ng isang symposium na pinamagatang “Kung Paanong ang mga Kasulatan ay Dumidisiplina sa Katuwiran.” Ang buong programa ay maghaharap ng espirituwal na pampatibay-loob na di dapat malaktawan ninyo at ng inyong pamilya.
3 Kapuwa sa Sabado at Linggo, ang praktikal na mga mungkahi para sa paglilingkod sa larangan ay ibibigay at itatanghal. Nakapagpapatibay at nakapagtuturong mga karanasan at mga pakikipanayam ang ihaharap din. Kaya, sa pagiging naroroon at pakikinig sa layuning ikapit ang inyong natutuhan, kayo’y nasa mas mabuting kalagayan upang isakatuparan nang lubusan ang mga kautusan ng Salita ng Diyos.
4 Isa sa mga tampok na bahagi ng pansirkitong asamblea ay ang bautismo ng bagong nag-alay na mga lalaki at babae. Bago pa ang pangmadlang pagpapahayag na ito ng kanilang pag-aalay, dapat sabihin ng mga kandidato ang kanilang pagnanais ukol sa bautismo sa punong tagapangasiwa upang kaniyang maisaayos ang pakikipagpulong ng mga matatanda sa kanila.
5 Ang pahayag pangmadla sa seryeng ito ng pansirkitong asamblea ay pinamagatang “Bakit Dapat Mapatnubayan ng Bibliya?” Bago pa ang asamblea, magpasimulang mag-anyaya ng mga taong interesado upang makadalo. Taglay ang pananabik sa lubhang kinakailangang pampatibay-loob at tulong na tatanggapin ninyo at ng inyong pamilya, gumawa ng tiyak na mga plano upang maging presente sa buong programa.