Patuloy na Bantayan Kung Papaano Kayo Lumalakad
1 Ang bagong programa ng pansirkitong asamblea para sa 1990 ay magpapasimula sa Pebrero. Ito’y magdiriin sa kahalagahan ng pagbabantay kung papaano tayo lumalakad, na itinataguyod ang mga bagay na aakay sa kapayapaan, at iniiwasan ang maraming patibong na inilalagay sa ating landas ni Satanas at ng kaniyang mga kampon, kapuwa espiritu at tao.
2 Ang paglakad sa daan ng katuwiran ay hindi nagiging madali sa mga huling araw na ito. Kaya, ang dalawang araw na programa ng pansirkitong asamblea ay maglalaan ng pampatibay-loob at praktikal na payo na tutulong sa bayan ni Jehova na mapanatili ang kanilang espirituwal na pagkatimbang at mapatunayang mga tagapag-ingat ng katapatan.
3 Ang tema ng asamblea na, “Patuloy na Bantayan Kung Papaano Kayo Lumalakad,” salig sa Efeso 5:15, 16, ay lubusang angkop para sa pagsasaayos at paghaharap ng inihandang materyal. Ang mga tagubilin ay ibibigay sa pamamagitan ng mga pahayag, mga pagtatanghal, mga karanasan, at mga pakikipanayam. Sa Sabado, magkakaroon ng pagkakataon ang mga bagong nag-alay na mabautismuhan. Kaya, dapat na patiunang ipabatid ng mga nagpaplanong magpabautismo sa pansirkitong asamblea sa punong tagapangasiwa ang bagay na ito upang maisagawa ang mga kaayusan sa pagsasaalang-alang ng panimulang mga katanungan.
4 Ang tampok na bahagi ng pansirkitong asamblea ay ang pahayag pangmadla na ibibigay ng tagapangasiwa ng distrito. Ang paksa ng kaniyang pahayag ay “Mga Tagapagdala ng Liwanag sa isang Madilim na Sanlibutan.” Ang pagtalakay na ito sa Bibliya ay maglalaman ng mahalagang impormasyon para sa mga taong bago pa lamang nagkakainteres, at ito’y makapagpapatibay doon sa mga dati nang naglilingkod bilang mga ministro ng mabuting balita.—Mat. 24:14.
5 Ipababatid ng inyong tagapangasiwa ng sirkito kung kailan at saan idaraos ang inyong pansirkitong asamblea. Gumawa ng tiyak na mga plano na madaluhan ang lahat ng sesyon sa dalawang araw. Hindi natin nanaising may malibanan sa alinmang bahagi ng programa. Pagpapalain ni Jehova ang inyong mga pagsisikap sa pamamagitan ng pagtulong sa inyo na bantayan kung papaano kayo lumalakad.