Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 7/95 p. 3
  • Maging Mapagpatibay

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Maging Mapagpatibay
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1995
  • Kaparehong Materyal
  • Nakapagpapatibay ang mga Pag-uusap Hinggil sa Espirituwal na mga Bagay
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2003
  • Nakapagpapatibay at Positibo
    Makinabang sa Edukasyon Mula sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo
  • Patibayin ang Isa’t Isa Habang Nasa Ministeryo
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2008
  • Papaano Natin Malalakipan ng Kagalingan ang Ating Pananampalataya?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1993
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—1995
km 7/95 p. 3

Maging Mapagpatibay

1 Yamang tayo’y nabubuhay sa “mga panahong mapanganib na mahirap pakitunguhan,” lahat tayo’y nangangailangan ng pampatibay-loob. (2 Tim. 3:1) Palibhasa’y alam na alam ang pangangailangang ito maging noong kapanahunan niya, nasabik si Pablo na gamitin ang pakikipagsamahan sa kaniyang mga kapatid bilang isang pagkakataon ng “pagpapalitan ng pampatibay-loob.” Hinimok niya ang kaniyang mga kapatid na “itaguyod . . . ang mga bagay na . . . nakapagpapatibay sa isa’t isa.” (Roma 1:​11, 12; 14:19) Nagtagumpay ang pagsisikap na ito sa ‘pagpapalakas sa mga kaluluwa ng mga alagad, na nagpapatibay-loob sa kanila na manatili sa pananampalataya.’ (Gawa 14:22) Talagang kailangan natin ang pampatibay-loob na iyan sa ngayon.

2 Makapagpapatibay tayo sa iba sa pamamagitan ng ating sinasabi. Kapag angkop ang pagkagamit, ang ating pananalita ay maaaring maging “mistulang mga mansanas na ginto sa mga sisidlang pilak.” (Kaw. 25:11) Sa pakikibahagi sa mga pulong, tayo’y “nagpapatibayang-loob sa isa’t isa.” (Heb. 10:25) Nagagamit natin ang ating dila sa positibong paraan kapag nagkukuwento ng mga karanasan, nagbibigay ng komendasyon, o ipinakikipag-usap ang espirituwal na mga bagay. Ang ganitong kapaki-pakinabang na paggamit ng dila ay ‘mabuti sa ikatitibay ayon sa pangangailangan, anupat ibinibigay nito kung ano ang mabuti sa mga nakikinig.’​—Efe 4:29.

3 Pag-usapan ang mga Bagay na Nakapagpapatibay: Sa Filipos 4:​8, naglaan si Pablo ng mahahalagang tagubilin sa ating pananalita. Sinabi niyang isaalang-alang natin ang anumang mga bagay na totoo, na seryosong pag-isipan, matuwid, malinis, kaibig-ibig, may mabuting ulat, may kagalingan, at kapuri-puri. Palagi tayong makatitiyak na ang ating sasabihin ay totoo at kapaki-pakinabang sa iba kung ito’y batay sa Salita ng Diyos. (Juan 17:17) Ang ating Kristiyanong pag-aalay, ang ating natututuhan sa mga pulong sa kongregasyon, ang ating paraan ng lubusang pagganap ng ating ministeryo, at iba pang katulad nito ay mga bagay na dapat na seryosong pag-isipan. Ang nagpapatibay na mga usapan hinggil sa mga pamantayan at simulain ng Salita ng Diyos ay tiyak na makatutulong sa atin na maging ‘marunong ukol sa kaligtasan.’ (2 Tim. 3:15) Maipahahayag natin ang ating pagpapahalaga sa malinis na paggawi niyaong mga nasa malinis na organisasyon ni Jehova. Mapupuri natin ang mga kaibig-ibig na gawang kabaitan ng ating mga kapatid. (Juan 13:​34, 35) Kalakip sa mga bagay na may mabuting ulat ang kapaki-pakinabang na mga katangiang Kristiyano na pananampalataya, kagalakan, kapayapaan, at mahabang-pagtitiis na ating nakikita sa ating mga kapatid. Ang pag-uusap hinggil sa mga bagay na ito ay ‘mabuti para sa ikatitibay’ ng iba.​—Roma 15:2.

4 Araw-araw, tayo’y napapaharap sa nakasisirang-loob na mga kabalisahan ng sanlibutan. Anong laking ginhawa nga na isaisantabi ang mga bagay na ito at makibahagi sa maibiging pakikipagsamahan sa ating mga kapatid! Bakit hindi agahan ang pagdating sa Kingdom Hall upang magawa ito? Muli, pagkatapos ng pulong mayroon pa tayong pagkakataong makipagpatibayan sa isa’t isa. Ang napakahalagang panahong ito na nagugugol nating magkakasama ay isang kayamanang dapat pakamahalin. Kung tayo’y palaging nagpapatibay-loob at nagpapalakas, tapat na makapagsasabi ang iba hinggil sa atin: “Pinanariwa nila ang aking espiritu.”​—1 Cor. 16:18.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share