Teokratikong mga Balita
Cyprus: Isang bagong peak na 1,626 na mamamahayag ang naabot noong Pebrero. Ang dumalo sa kanilang pantanging araw ng asamblea ay 2,249.
Ethiopia: May 4,587 mamamahayag ang nag-ulat noong Pebrero. Ito’y isang bagong peak. Dalawang bagong Kingdom Hall ang inialay roon sa buwang iyon.
Rwanda: Ang “Maka-Diyos na Takot” na Pandistritong Kombensiyon ay ginanap kamakailan sa maliliit na grupo na may kabuuang bilang ng dumalo na 6,062, at 178 ang nabautismuhan.
Trinidad: Isang bagong peak na 6,786 na mamamahayag ang nag-ulat noong Pebrero.