Apocalipsis—Isang Susi sa Tunay na Kaligayahan
1 Sa Apocalipsis 1:3, ang apostol Juan ay nagsabi sa atin kung papaano masusumpungan ang kaligayahan. Siya’y sumulat: “Maligaya siya na bumabasa nang malakas at yaong mga nakikinig sa mga salita ng hulang ito, at tumutupad sa mga bagay na nasusulat dito.” Ang aklat na Apocalipsis—Malapit na ang Dakilang Kasukdulan Nito! ay nakatulong sa marami upang masumpungan ang malaking kaligayahan. Taglay natin ang mabuting dahilan upang ialok ito sa iba.
2 Maaari ninyong pasimulan ang pag-uusap sa katanungang ito:
◼ “Sa palagay kaya ninyo’y puwedeng maintindihan ang aklat ng Bibliya na Apocalipsis, o mananatili na lamang ito na isang misteryo? [Hayaang sumagot.] Marami ang nakakatulad ng inyong pangmalas. Pansinin kung ano ang sinasabi ng Bibliya sa Apocalipsis 1:3. [Basahin.] Kaya ang Apocalipsis ay maaaring maintindihan, at ang kaalaman dito ay maaaring magdulot sa atin ng kaligayahan. Papaano magiging posible ito?” Repasuhin ang mga puntong nasa parapo 2 sa pahina 6, at pagkatapos ay sabihin: “Ang publikasyong ito ay naghaharap ng bersikulo-por-bersikulong pagtalakay sa aklat ng Apocalipsis. Ako’y nalulugod na iwan sa inyo ang kopyang ito.”
3 Yamang marami ang nababahala hinggil sa paglalaan ng kanilang materyal na mga pangangailangan, maaaring ito’y lumikha ng interes sa ilan:
◼ “Ano sa palagay ninyo ang pinakamalaki nating pangangailangan? [Hayaang sumagot.] Marami ang nakadarama na ang kailangan natin ay higit na materyal na mga bagay.” Bumaling sa pahina 73 at repasuhin ang mga punto sa kahon na pinamagatang “Materyalismo Laban sa Karunungan.” Magpatuloy sa pagsasabing: “Ito’y nagpapakita na sobrang pagdiriin ang inilalagay sa materyal na mga bagay; dapat tayong higit na mabahala sa ating espirituwal na mga pangangailangan.” Basahin ang Juan 17:3, at ipaliwanag kung papaanong ang kaalaman sa Diyos ay maaaring umakay sa buhay na walang-hanggan. Ialok ang aklat at isaayos ang isang pagdalaw-muli.
4 Yamang marami ang nababahala hinggil sa kaligaligan sa daigdig, maaari ninyong subukan ito:
◼ “Bawat makausap ko ay nababahala hinggil sa kinabukasan. Ang ilang lider sa daigdig ay nakadarama na tayo’y nasa pintuan na ng isang bagong panahon ng kapayapaan. Ano ang nadarama ninyo sa bagay na ito? [Hayaang sumagot.] Sa kabila ng lahat ng pagsisikap ng tao, ang karahasan at kaligaligan ay lumalago sa buong daigdig. Ipinakikita ng Bibliya ang tanging namamalaging lunas sa mga suliraning ito. [Basahin ang 2 Pedro 3:13. Bumaling sa ilustrasyon sa pahina 302, at ipaliwanag kung papaanong ang Kaharian ng Diyos ay magdadala ng namamalaging kapayapaan at katiwasayan sa lupang ito.] Ang publikasyong ito ay makatutulong sa inyo upang makita kung papaano kayo magtatamasa ng walang-hanggang buhay sa ilalim ng pamamahala ng Kaharian ng Diyos.”
5 Kung may masumpungan kayong abala at kailangang kayo’y maging maikli, maaari ninyong sabihin ang ganito:
◼ “Yamang kayo’y abala, nais kong iwan ang tract na ito na pinamagatang Ang Sanlibutan Bang Ito’y Makaliligtas? [Bumaling sa pahina 6 at basahin ang Apocalipsis 21:3, 4.] Pinasisigla ko kayong basahin ito. Sa susunod kong pagbisita, nais kong malaman kung ano ang masasabi ninyo hinggil dito.”
6 Habang ating iniaalok ang Apocalipsis—Malapit na ang Dakilang Kasukdulan Nito! sa Pebrero, walang pagsalang marami ang magtatamo ng kaligayahan sa pagkakaroon ng unawa sa kahulugan ng kamangha-manghang mga hula ng Apocalipsis.—Kaw. 3:13.