Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 5/96 p. 1
  • Maging Buong-Kaluluwa!

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Maging Buong-Kaluluwa!
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1996
  • Kaparehong Materyal
  • Bahagi 5—Ang Mayamang mga Pakinabang ng Buong-Kaluluwang Paglilingkod
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1991
  • Paghaharap ng Mabuting Balita—Sa Pamamagitan ng Paglikha ng mga Pagkakataon Para sa Impormal na Pagpapatotoo
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1990
  • Pinahahalagahan ni Jehova ang Inyong Buong-Kaluluwang Paglilingkuran
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1997
  • Bahagi 1—Ang Kapakinabangan ng Pagpapahalaga kay Jehova
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1991
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—1996
km 5/96 p. 1

Maging Buong-Kaluluwa!

1 Taglay natin ang maraming dahilan upang magpasalamat kay Jehova. Lakip dito ang mga bagay na ginawa niya sa nakaraan, ginagawa ngayon, at gagawin pa para sa atin sa hinaharap. Ang pagtanaw natin ng utang na loob ay dapat magpakilos sa atin na gawin ang ano? Sumasagot si David: “Aking pagpapalain si Jehova sa lahat ng panahon; ang papuri sa kaniya ay laging sasa aking bibig.”—Awit 34:1.

2 Nang ginawa natin ang ating pag-aalay kay Jehova, itinatwa natin ang ating sarili at binuhat ang ating pahirapang tulos bilang mga alagad ni Jesus. (Mat. 16:24) Ano ang kahulugan niyaon? Ang isang tao na nagtatwa ng kaniyang sarili na nagpapangyaring ang paggawa ng kalooban ng Diyos ang pinakamahalagang gawain sa buhay. Kalooban ni Jehova na ang kaniyang pangalan ay maihayag sa buong lupa.—Awit 83:18.

3 Maliwanag na ipinakikita ng Bibliya na tayo’y inutusang mangaral. Ito ang gawain na ating isinasagawa nang “buong-kaluluwa na gaya ng kay Jehova.” (Col. 3:23) Gaano ang ating magagawa sa ministeryo kung tayo’y tunay na buong-kaluluwa? Kapag ating isinasaalang-alang ang pag-ibig ni Jehova para sa atin, tunay na napakikilos tayo ng ating mga puso na magkaroon ng ganap na bahagi sa pagsasabi sa iba hinggil sa kaniya at sa kaniyang mga layunin!

4 Ang isang tao na buong-kaluluwa ay nagnanais na mapanatiling nakatuon ang kaniyang pansin sa banal na paglilingkod. Ang salmista ay nagsabi: “Makapito sa isang araw na pumupuri ako sa iyo.” (Awit 119:164) Yaong mga nakakatulad ng damdamin ng salmista ay nagsasamantala sa lahat ng pagkakataon na purihin si Jehova.

5 Tayo ay Napaliligiran ng mga Pagkakataon na Purihin si Jehova: Hindi na tayo kailangang maghintay pa hanggang sa nakikibahagi na tayo sa gawain sa bahay-bahay upang mangaral ng mabuting balita. Ang ating mga kamanggagawa, mga kamag-aral, mga kamag-anak, at mga kakilala ay pawang nangangailangang makarinig sa mensahe ng Kaharian. Kapag naglalakbay, maaari nating pasimulan ang pakikipag-usap sa kapuwa pasahero, sa mga trabahador sa restawran, mga katulong sa istasyon ng gasolina, o mga nagmamaneho ng taksi. Habang nasa bahay, maaari tayong magpatotoo sa mga kapitbahay o sa mga nagrarasyon. Kung tayo’y nasa ospital, may mga nars, mga doktor, at iba pang mga pasyente na maaari nating pangaralan nang impormal.

6 Ang Impormal na Pagpapatotoo ay Nagbubunga: Dalawang Saksi ang naglalakad sa isang parke nang isang araw at nagpasimula ng isang pakikipag-usap sa isang kabataang lalaki na nagpapasyal sa kaniyang anak. Sa dakong huli, siya at ang kaniyang asawa ay yumakap sa katotohanan. Pagkatapos ay ipinagtapat ng kabataang lalaki na hindi pa natatagalan bago niya nakatagpo ang dalawang Saksi, siya’y nanalangin sa Diyos, na nakiusap, ‘Kung ikaw ay umiiral, pakisuyong hayaan mong makilala kita.’ Itinuturing niya na ang pagtatagpo sa parke ang sagot ni Jehova sa kaniyang panalangin.

7 Yaong mga buong-kaluluwa ay nakapagtatamasa ng pinakamalaking kagalakan. Nalalaman nila na ang paglilingkod “taglay ang sakdal na puso” ay nakalulugod kay Jehova.—1 Cron. 28:9.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share