Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 4/98 p. 8
  • Ipinahahayag ng mga Magasin ang Kaharian

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ipinahahayag ng mga Magasin ang Kaharian
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1998
  • Kaparehong Materyal
  • Paggamit ng Ating mga Magasin sa Pinakamabuting Paraan
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1996
  • Itampok ang mga Magasin sa Iyong Ministeryo
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2005
  • Magtakda ng Panahon Para sa Gawain sa Magasin
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1994
  • Ang Namumukod-Tanging mga Magasin ay Itinatampok
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1990
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—1998
km 4/98 p. 8

Ipinahahayag ng mga Magasin ang Kaharian

1 Bilang mga Saksi ni Jehova, kilala tayo sa ating masigasig na pangangaral tungkol sa Kaharian ng Diyos. Ang ipinamamahagi nating mga magasing Bantayan at Gumising! ay gumaganap ng mabisang papel sa pagtulong sa milyun-milyong tao na matuto tungkol sa mga layunin ng Diyos. Ang mensahe na nilalaman ng mga ito ay tunay na mabuting balita, sapagkat ipinahahayag nito ang makalangit na Kaharian ng Diyos bilang ang tanging pag-asa ng sangkatauhan. Kaya ang Abril at Mayo ay naglalaan ng mainam na pagkakataon upang maialok ang dalawang magasing ito sa paraang suskrisyon.

2 Tinatalakay ng mga magasin ang tunay na mga pangangailangan ng tao​—sa emosyonal, sosyal, at espirituwal. Sa pagkasira ng mga pamantayan sa moral at sa pamilya sa lahat ng dako, Ang Bantayan at Gumising! ay makatutulong sa mga tao na paunlarin ang kalidad ng kanilang buhay sa pamamagitan ng pagtuturo sa kanila kung paano ikakapit ang mga simulain sa Bibliya. Nalulugod tayong itampok ang mga magasin sa Abril at Mayo.

3 Talagang Kaakit-akit ang mga Ito: Ang Bantayan at Gumising! ay makukuha sa mga wika ng halos lahat ng tao sa daigdig. Dahil dito, kilalang-kilala ang ating mga magasin. Narito ang ilang dahilan kung bakit naaakit ang mga tao sa mga ito:

◼ Bilang mga babasahin ng katapatan at katotohanan, malinaw na ipinakikita ng mga ito ang pagkakaiba ng mabuti at masama.

◼ Nagbibigay ang mga ito ng pag-asa tungkol sa isang napipintong matuwid na paraiso, salig sa pangako ng Diyos na pamahalaan ang lupa ng kaniyang Kaharian.

◼ Inihaharap ang malawak na pagkasarisari ng mga napapanahong paksa, na nakaaakit sa mga tao ng lahat ng lahi at kultura.

◼ Ang mga artikulo ay maiikli, nakapagtuturo, makatotohanan, at malaya sa pagtatangi at pakikipagkompromiso.

◼ Ang nakaaakit na mga ilustrasyon ay lumilikha ng kagyat na interes, at ang malinaw na istilo ng pagsulat ay nagpapagaan sa pagbasa ng mga magasin.

4 Ipamahagi ang mga Ito Nang Malawakan: Ang mabisang pamamahagi ng mga magasin ay nakasalalay nang malaki sa ating masikap na paghahanda ng ating mga presentasyon, pag-iiskedyul ng ating panahon, at pag-oorganisa ng ating gawaing pangangaral. Ang mga praktikal na mungkahi ay inilaan sa mga labas ng Enero 1996 at Oktubre 1996 ng Ating Ministeryo sa Kaharian, na makabubuting repasuhin at ikapit.

5 Alamin ang Nilalaman ng mga Magasin: Habang binabasa ninyo ang bawat isyu, isipin kung sino ang magnanais na magkaroon ng kopya nito. Humanap ng mga espesipikong punto o kasulatan na maaari ninyong sipiin sa inyong presentasyon. Umisip ng isang tanong na magagamit ninyo upang pasimulan ang isang pag-uusap at pukawin ang interes sa paksa.

6 Ibagay ang Presentasyon sa Tao: Maghanda ng isang simple at naibabagay na presentasyon na maaaring gamitin sa isang lalaki, isang babae, isang matanda, o isang kabataan, siya man ay kakilala o hindi.

7 Maging Palaisip sa Pagpapasakamay ng Bantayan at Gumising!: Yamang ang mga magasin ay madaling mailagay sa isang bag, hanbag, o isang bulsa, makapagdadala tayo ng mga kopya kapag naglalakbay o namimili. Ialok ang mga ito kapag nakikipag-usap sa mga kamag-anak, kapitbahay, kamanggagawa, kaeskuwela, o sa mga guro. Magtakda ng isang araw sa bawat linggo, lalo na sa pagpapatotoo sa pamamagitan ng magasin.

8 Magpakita ng Pagpapahalaga sa mga Magasin: Hindi nawawala ang halaga ng mga ito. Ang paglipas ng panahon ay hindi nakababawas sa kahalagahan ng mensahe na nilalaman ng mga ito. Sabihin pa, kung gagawa tayo ng pantanging pagsisikap upang maipasakamay ang lahat ng magasing nakukuha natin, hindi matatambak ang mga lumang isyu sa ating mga istante.

9 Mabisa ang Pagpapatotoo sa Lansangan: Ito ang isa sa pinakamainam na paraan upang maialok ang mga magasin sa maraming tao. Ang ilang mamamahayag ay gumagawa sa mataong mga lansangan nang salitan sa regular na paraan kapag araw ng pamimili.

10 Mabunga ang mga Lugar ng Negosyo: Sa pagpapatotoo sa mga tindahan, kaunti lamang ang hindi masusumpungan. Karamihan sa mga negosyante ay magagalang, at marami ang malugod na tumatanggap ng mga magasin. Itampok ang mga artikulo na angkop sa isang dinadalaw na uri ng negosyo.

11 May Potensiyal ang mga Ruta sa Magasin: Yamang makalawa sa isang buwan kung ilathala ang mga magasin, angkop lamang na balikan ang mga tao na bumabasa sa mga ito at ipakita ang kasunod na mga isyu. Dapat tayong gumawa ng regular na mga pagdalaw muli, hindi lamang upang makapagpasakamay ng mga magasin kundi upang malinang din ang interes ng tao sa Bibliya. Ang mga ruta sa magasin ay napakainam na pinagmumulan ng potensiyal na mga estudyante sa Bibliya.

12 Gawin ang Pinakamainam sa Abril at Mayo: Nakuha ng Ang Bantayan at Gumising! ang pagtitiwala ng milyun-milyong nalulugod na mambabasa. Yamang napakabisa ng mga ito sa pagpapahayag ng Kaharian, dapat nating tiyaking magdala ng mga ito at mag-alok ng mga ito sa bawat pagkakataon. Harinawang ang mga buwan ng Abril at Mayo ay mapatunayang mga namumukod-tanging buwan sa pamamahagi ng magasin!

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share