Teokratikong mga Balita
◼ Ang ilang sangay sa mga isla sa palibot ng daigdig ay nag-ulat ng namumukod-tanging mga bagong peak ng mamamahayag noong Enero. Ang ilan sa mga ito ay ang Dominican Republic, Haiti, Martinique, Mauritius, ang Pilipinas, Taiwan, at Trinidad.
◼ Ang pagsulong sa Seychelles ay 18 porsiyento ang kahigitan sa aberids noong nakaraang taon, at sa St. Maarten ang pagsulong ay 16 na porsiyento.
◼ Sa Hong Kong ang mga mamamahayag ay nagkaroon ng aberids na 12.7 oras.
◼ Ang unang Kingdom Hall sa Taiwan na itinayo sa mabilis na paraan ay natapos noong Pebrero.