Pulong sa Paglilingkod Para sa Hunyo
Linggo ng Hunyo 1-7
8 min: Lokal na mga patalastas. Mga patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian, na pantanging pinaaalalahanan ang mga kongregasyon na pumidido ng bagong brosyur para magamit sa panahon ng kampanya sa Hulyo at Agosto. Teokratikong mga Balita.
15 min: “ Lubusang Nasangkapan Ukol sa Bawat Mabuting Gawa.” Tanong-sagot. Magkomento nang maikli mula sa Pebrero 15, 1989, Bantayan, pahina 22-4.
22 min: “Pagpapatotoo sa ‘Lahat ng Uri ng mga Tao.’ ” Tatalakayin ng isang matanda at ng lupon ng mga makaranasang mamamahayag ang mga iminungkahing presentasyon para sa pag-aalok ng mga aklat na Pinakadakilang Tao at Ang Paghahanap ng Tao sa Diyos. Repasuhin nang maikli ang iba’t ibang relihiyon na natatagpuan sa inyong lugar, at ipaliwanag kung bakit dapat na may paksa tayong nakahanda upang mapasimulan ang isang pag-uusap sa bawat pagkakataon. Magkaroon ng isa o dalawang maikling pagtatanghal.
Awit 112 at pansarang panalangin.
Linggo ng Hunyo 8-14
10 min: Lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta.
15 min: “Pangangalaga sa mga Pag-aari ng Panginoon.” Pahayag ng isang matanda, na sinasaklaw ang impormasyon sa insert.
20 min: “Tayong Lahat ay Kailangan Upang Matapos ang Gawain.” Tanong-sagot. Ipaliwanag kung bakit ang matatanda ay dumedepende sa maraming kusang-loob na boluntaryo upang matapos ang mahahalagang bagay. Repasuhin ang lokal na mga pangangailangan, tulad ng paglilinis at pag-iingat ng Kingdom Hall, pagtulong sa mga maysakit at mga matanda, at pagsaklaw sa teritoryo. Anyayahang magkomento ang matatanda kung paano nila pinahahalagahan ang kusang pagtulong na inilalaan ng marami. Idiin na lubhang kailangan ang pagsisikap ng bawat isa.
Awit 153 at pansarang panalangin.
Linggo ng Hunyo 15-21
10 min: Lokal na mga patalastas.
20 min: “Puspusang Magsumikap Kayo.” Pahayag salig sa Enero 15, 1986, Bantayan, pahina 10-14. Talakayin ang kahalagahan ng paglilingkuran bilang regular pioneer, na pinasisigla ang pagpapatala sa Setyembre 1.
15 min: “Pagpapatotoo sa Pamamagitan ng Mabuting Paggawi.” Tanong-sagot. Kapanayamin ang ilang huwarang kabataan. Ilalahad nila kung paano humanga ang iba sa kanilang Kristiyanong paggawi. Maglahad ng isa o dalawang karanasan mula sa Enero 1, 1995, Bantayan, pahina 24-5.
Awit 170 at pansarang panalangin.
Linggo ng Hunyo 22-28
10 min: Lokal na mga patalastas. Banggitin kung kailan natapos ang pag-o-audit ng kuwenta ng kongregasyon.
15 min: Paano Magpapasimula ng Isang Ruta ng Magasin. Balangkasin kung ano ang kinakailangan: itala ang lahat ng naipasakamay, bumalik sa loob ng dalawang linggo, iharap ang mga bagong ideya mula sa mga bagong magasin upang mapanatiling buháy ang interes. Imungkahing isali ang mga kapit-bahay, kamanggagawa, mga nagtitinda, mga tauhan sa gasolinahan, at iba pa. Mag-alok ng anim-na-buwang suskrisyon sa mga nagpakita ng namamalaging interes. Anyayahan ang isa o dalawang mamamahayag upang maglahad ng nakapagpapatibay na karanasan tungkol sa mga ruta ng magasin.
20 min: Ang mga Payunir ay Tumutulong sa Iba. Pahayag ng tagapangasiwa sa paglilingkod, na nirerepaso ang kaayusan hinggil sa personal na pagtulong ng mga payunir sa iba. Ipaliwanag kung paanong pinasimulan na noong nakalipas na panahon ang mga programa sa pagtulong. (jv 100; km 9/79 1, 3) Nangangailangan ng pagsasanay ang mahigit sa isang milyong baguhan na nabautismuhan nitong nakaraang tatlong taon. Ginagamit ng programang “Ang mga Payunir ay Tumutulong sa Iba” ang karanasan at kasanayan ng mga regular at special pioneer na nakadalo na sa Pioneer Service School. Ang tunguhin ay para makapagsanay ng dalawang mamamahayag sa bawat taon ang bawat payunir upang ang mga ito’y maging mas bihasa sa ministeryo at magsikap para sa mas malaki pang bahagi. Yaong mga tinutulungan ay di-kailangang mangamba; idiniriin ang pagbibigay ng maibigin at may-kabaitang pampatibay-loob. Ang bagong programang ito ay naglalaan ng pagkakataon para sa daan-daang libo na maging higit na epektibong mga ministro.
Awit 207 at pansarang panalangin.
Linggo ng Hunyo 29–Hulyo 5
10 min: Lokal na mga patalastas. Paalalahanan ang lahat na ibigay ang kanilang mga ulat sa paglilingkod sa larangan para sa Hunyo. Talakayin ang alok na literatura para sa Hulyo, na nirerepaso ang mga puntong mapag-uusapan sa bagong brosyur na Isang Aklat Para sa Lahat ng Tao.
15 min: Nagmabagal ba Ako? Pahayag ng isang matanda salig sa Disyembre 15, 1987, Bantayan, pahina 18-19, parapo 14-16. Pasiglahin yaong mga aktibo sa loob ng maraming taon na suriin ang kalidad at dami ng kanilang sagradong paglilingkod.
20 min: Tayong Lahat ay Makapagpapatotoo Nang Impormal. Pahayag at pagtalakay salig sa Oktubre 15, 1987, Bantayan, pahina 22-7. Ipakita kung paanong ang mga taong okupado ang panahon sa sekular, pampamilya, o personal na mga pananagutan ay makahahanap ng maraming pagkakataon sa bawat araw upang maibahagi ang mabuting balita sa iba. Ilakip ang ilang lokal na karanasan.
Awit 76 at pansarang panalangin.