Maaari Ba Nating Ialok ang Aklat na Creator?
Sa kalilipas lamang na mga pandistritong kombensiyon, tayong lahat ay nagalak na tumanggap ng aklat na Is There a Creator Who Cares About You? Ito’y isang aklat na pantanging dinisenyo para doon sa mga maaaring hindi naniniwala sa Diyos, bagaman mataas ang pinag-aralan sa sekular na mga bagay. Pinupunan ng aklat na ito ang lumalaking pangangailangan para dito.
Sa praktikal na kadahilanan ang buwanang alok na literatura ay kadalasang nagtatampok ng mga publikasyon na makatatawag ng pansin sa nakararami. Ito ba’y nangangahulugan na hindi na tayo dapat mag-alok ng aklat na Creator? Tunay na hindi! Ang aklat na ito ay maaaring ialok kailanman naisin sa buong taon, sa mga indibiduwal na hindi naniniwala sa Diyos at maaaring makinabang mula rito. Ito’y maaari ring ialok sa mga indibiduwal na naniniwala sa Diyos subalit walang tunay na ideya kung sino siya o ano ang kaniyang mga katangian at layunin. Kaya kayo ay pinasisiglang magdala ng isang kopya sa inyong bag sa pangangaral at maging handa na ialok ito sa sinumang inaakala ninyong magiging interesadong bumasa nito.