Teokratikong mga Balita
◼ Armenia: Iniulat noong Disyembre ang 4,741 mamamahayag na bawat isa ay may aberids na 16 na oras sa ministeryo. Ang bagong peak na ito ng mga mamamahayag ay 17 porsiyento ang kahigitan kaysa sa aberids noong nakaraang taon.
◼ Chile: Ang bagong kahilingan sa oras para sa mga payunir ay may kasiglahang tinanggap, gaya ng pinatutunayan ng pinakamataas na peak na 4,351 regular pioneer na nag-ulat noong Enero. Gayundin naman, 5,175 ang nag-ulat bilang mga auxiliary pioneer, na hanggang sa ngayon ay siyang pinakamagandang ulat sa taóng ito ng paglilingkod.
◼ Ukraine: Sa 100,129 mamamahayag na nag-ulat noong Enero, 12 porsiyento ang nasa isang anyo ng buong-panahong paglilingkod. Naabot ng Ukraine ang 5,516 na regular pioneer—ang ika-27 sa sunud-sunod na peak—at 6,468 pang mamamahayag ang nag-ulat bilang mga auxiliary pioneer.