Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 12/99 p. 1
  • Tularan ang Di-pagtatangi ni Jehova

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Tularan ang Di-pagtatangi ni Jehova
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1999
  • Kaparehong Materyal
  • Tinutularan ba Ninyo ang Ating Di-nagtatanging Diyos?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1996
  • Lubusang Pahalagahan ang mga Katangian ni Jehova
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2013
  • Pinararating sa Mas Maraming Tao ang Mabuting Balita
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1998
  • Magpakita ng Personal na Interes—Sa Pamamagitan ng Pangangaral Nang Walang Pagtatangi
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2006
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—1999
km 12/99 p. 1

Tularan ang Di-pagtatangi ni Jehova

1 Nababahala si Jehova sa mga tao. Walang pagtatangi na tinatanggap niya ang sinuman na gumagawa ng kaniyang kalooban. (Gawa 10:34, 35) Nang mangaral si Jesus sa mga tao, siya man ay hindi nagtangi. (Lucas 20:21) Kailangan nating tularan ang kanilang halimbawa, gaya ni Pablo, na sumulat: “May iisang Panginoon sa lahat, na mayaman sa lahat niyaong tumatawag sa kaniya.”—Roma 10:12.

2 Ang paghahayag ng mabuting balita ng Kaharian ng Diyos sa lahat ng ating nakakatagpo ay nagdudulot ng kaluwalhatian sa Diyos. Kailangang patuloy nating ibahagi ang kamangha-manghang mensaheng ito sa iba, anuman ang kanilang lahi, katayuan sa lipunan, pinag-aralan, o katayuan sa pananalapi. (Roma 10:11-13) Nangangahulugan ito ng pangangaral sa mga makikinig—mga lalaki, babae, kabataan, at matatanda. Kailangang magtungo tayo sa bawat bahay upang mabigyan ng pagkakataon ang bawat maybahay na mapakinggan ang katotohanan.

3 Magkaroon ng Interes sa Lahat: Ang tunguhin natin ay makipag-ugnayan sa lahat ng makakaya nating kausapin. Taglay ito sa isipan, naging matagumpay ang ilang mamamahayag sa pagpapatotoo sa mga tao sa mga tanggapan ng doktor, mga ospital, mga nursing home, at mga rehabilitation center. Karagdagan pa, ang mga mamamahayag ay nakapagpatotoo sa mga direktor ng punerarya, mga superbisor at tagapayo sa paaralan, at mga hukom. Kapag lumalapit sa mga opisyal, angkop na ipahayag ang pagpapahalaga sa kanila para sa nakatutulong na paglilingkod na inilalaan nila sa komunidad. Maging magalang, at pumili ng napapanahong mga artikulo na partikular na tumatalakay sa uri ng kanilang trabaho at sa mga suliranin na kasangkot dito.

4 Sa isang pagkakataon ay nagawang makipag-usap ng isang kapatid na babae sa isang hukom sa tanggapan nito. Pagkatapos ng isang masiglang pag-uusap, kusa itong nagkomento: “Alam mo ba kung ano ang gusto ko sa mga Saksi ni Jehova? Sila’y may matibay na mga simulain na sa mga ito ay hindi sila lumilihis.” Isang mainam na patotoo ang naibigay sa maimpluwensiyang taong ito.

5 Hindi natin nababasa ang puso ng mga tao. Gayunman, sa pakikipag-usap sa lahat ng nakakatagpo natin, ipinakikita natin ang ating pananampalataya sa kakayahan ng Diyos na patnubayan ang ating gawain. Karagdagan pa, ito ang nagbibigay sa mga tao ng pribilehiyo upang mapakinggan at tumugon sa mensahe ng pag-asa. (1 Tim. 2:3, 4) Gamitin sana natin ang ating panahon nang may katalinuhan at magsikap na tularan ang di-pagtatangi ni Jehova sa pagpapaabot ng mabuting balita sa lahat ng tao hangga’t makakaya natin.—Roma 2:11; Efe. 5:1, 2.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share