Magbigay-Pansin Kung Paano Ka Nakikinig
Ang pagbibigay ng maingat na pansin ay mahalaga kapag dumadalo sa mga pulong, sa kongregasyon, mga asamblea, at mga kombensiyon. (Luc. 8:18) Paano mo mapasusulong ang iyong kakayahang makinig?
◼ Iwasang kumain ng marami bago ang mga pulong.
◼ Huwag pahintulutang gumala-gala ang iyong isipan.
◼ Kumuha ng maiikling nota ng mga pangunahing punto.
◼ Tingnan ang mga binabasang kasulatan.
◼ Makibahagi kapag may pagkakataon.
◼ Pag-isipan ang inihaharap na materyal.
◼ Isipin ang mga paraan upang magamit ang iyong napakinggan.
◼ Pagkatapos, ipakipag-usap kung ano ang iyong natutuhan.
Tingnan ang Giya sa Paaralang Teokratiko sa Pagmiministro, aralin 5.