Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 11/00 p. 3
  • Ikaw Ba ay Nagpapahalaga sa Sagradong mga Bagay?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ikaw Ba ay Nagpapahalaga sa Sagradong mga Bagay?
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2000
  • Kaparehong Materyal
  • 1987 “Magtiwala kay Jehova” na Pandistritong Kombensiyon
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1987
  • Halikayo sa “Dalisay na Wika” na Pandistritong Kombensiyon
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1990
  • Magsaayos Na Ngayon Upang Makadalo sa 1991 “Mga Umiibig sa Kalayaan” na Pandistritong Kombensiyon
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1991
  • 1992 “Mga Tagapagdala ng Liwanag” na Pandistritong Kombensiyon
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1992
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—2000
km 11/00 p. 3

Ikaw Ba ay Nagpapahalaga sa Sagradong mga Bagay?

1 Kapag itinanong kung nagpapahalaga tayo sa sagradong mga bagay, malamang na agad tayong sasagot ng oo! Ano ang ilan sa mga sagradong paglalaan ng Diyos na ating pinahahalagahan?

2 Anong laki ng ating pagpapahalaga na tayo’y pinahintulutang magkaroon ng personal na kaugnayan sa ating makalangit na Ama! Tinitiyak niya sa atin na kung tayo ay ‘lalapit sa kaniya, siya ay lalapit sa atin.’ (Sant. 4:8) Kung wala ang haing pantubos ni Jesu-Kristo, walang sinumang tao ang tatanggap ng buhay na walang hanggan. (Juan 3:16) Dahil sa taimtim na pasasalamat, araw-araw nating ipinahahayag sa panalangin ang ating taos na pagpapahalaga sa napakahalagang kaloob na ito ng Diyos.

3 Ang kinasihang Salita ng Diyos, ang Banal na Bibliya, ay sagrado rin sa atin, gaya rin ng makalupang organisasyon ni Jehova. Naipakikita natin ang nararapat na pagpapahalaga para sa mga paglalaang ito mula kay Jehova kapag tayo ay namumuhay sa mga simulain ng Bibliya, pinatitibay ang bigkis ng pag-ibig na pangkapatid, maingat na sinusunod ang teokratikong kaayusan, at nakikipagtulungan sa mga nangunguna.​—1 Ped. 1:22.

4 Sa pamamagitan ng tapat at maingat na alipin, tayo ay tumatanggap ng saganang espirituwal na pagkain. Iyan ay mangyayari sa taóng ito sa “Mga Tagatupad ng Salita ng Diyos” na Pandistritong Kombensiyon. Doon ay tatanggapin natin ang mahalagang tagubilin at tatamasahin ang masiglang pakikisalamuha na lubhang kailangan natin. Paano natin maipakikita ang taos-pusong pagpapahalaga sa sagradong paglalaang ito?

5 Huwag Pabayaan ang Bahay ni Jehova: Pinayuhan ni Nehemias yaong mga nagpagal upang muling itayo ang mga pader ng Jerusalem na ‘huwag pabayaan ang bahay ng kanilang Diyos.’ (Neh. 10:39) Sa ngayon, ang “bahay” ni Jehova ay ang kaniyang kaayusan sa pagsamba. Ang ating mga pandistritong kombensiyon ay bahagi ng kaayusang iyan. Upang hindi mapabayaan ang kaayusang ito, dapat tayong dumalo at magbigay ng lubos na pansin, anupat ipinakikita kay Jehova na tayo’y may mataas na pagpapahalaga sa kaniyang mga paglalaan. (Heb. 10:​24, 25) Anong mga plano ang kailangan nating gawin ngayon upang ipakita na lubos nating pinahahalagahan ang sagradong okasyong ito?

6 Daluhan ang Buong Tatlong Araw: Dapat na isaayos ng bawat isa sa atin na makadalo sa buong tatlong araw ng kombensiyon. Kayo ba ay nagpaplanong dumating nang maaga bawat araw at manatili hanggang sa katapusang panalangin sa Linggo? Kung gayon, mayayamang pagpapala ang sasainyo. Ang pagdalo sa isang kombensiyon ay maaaring hindi laging madali. Ang pagliban sa inyong sekular na trabaho ay maaaring humiling ng matatag na paninindigan. Hindi laging maalwan ang transportasyon. Subalit huwag hayaang ang mga salik na ito ang sumira ng inyong loob sa pagdalo sa kombensiyon.

7 Isaalang-alang ang Mainam na Halimbawang Ito: Samantalang sila’y patungo sa isang pandistritong kombensiyon noong nakaraang taon, sa isang bansa sa Aprika kung saan may kaguluhang-sibil, nasalubong ng isang grupo ng mga kapatid ang isang grupo ng militar. Ang mga kapatid ay tinanong: “Sino kayo, at saan kayo patungo?” Sila’y sumagot: “Kami ay mga Saksi ni Jehova, at kami ay patungo sa pagdalo sa pandistritong kombensiyon.” Ang isa sa mga sundalo ay nagkomento: “Kayong mga Saksi ni Jehova ay walang kinatatakutan. Basta’t humayo kayo, at maidaraos ninyo ang inyong kombensiyon nang walang anumang problema. Gayunman, dapat ninyong matanto na kayo’y makakasalubong ng maraming sundalo. Lagi kayong maglakad sa gitna ng daan! Kung may makita kayong maraming taong nagkakatipon, patuloy na lumakad sa gitna ng daan!” Ginawa nila iyon at ligtas na nakarating sa kombensiyon. Ang mga kapatid na ito ay ginantimpalaan dahilan sa ipinakita nila ang kanilang pagpapahalaga sa sagradong mga bagay.

8 Tulad ng ating mga kapatid sa Aprika, tayo ay napapaharap din sa mga hamon. Subalit walang alinlangan, matutularan natin ang kanilang pananampalataya at magiging determinadong daluhan ang lahat ng sesyon ng ating pandistritong kombensiyon. Kung kailangan ang mga pagbabago, umasa kay Jehova ukol sa patnubay, na nalalamang kaniyang pagpapalain ang ating mga pagsisikap na madaluhan ang buong programa.

9 Anihin ang mga Pagpapala: Tayo ay nananabik sa Salita ng Diyos, sa pagkaalam na sa pamamagitan nito ay maaari tayong lumaki tungo sa kaligtasan. (1 Ped. 2:2) Ang ating pagdalo sa pandistritong kombensiyon at pakikinig sa programa ay tutulong sa bawat isa sa atin na magkaroon ng mas matibay na pananampalataya sa Salitang iyan at nang sa gayo’y higit na makatagal sa mga pagsalakay ni Satanas. Sa paggawa nito, maipakikita natin kay Jehova at sa lahat ng mga nagmamasid na lubos nating pinahahalagahan ang sagradong mga bagay at na “hindi nga tayo ang uri na umuurong . . . kundi ang uri na may pananampalataya upang maingatang buháy ang kaluluwa.”​—Heb. 10:​39; 12:​16; Kaw. 27:11.

10 Makaaasa tayo sa hinaharap na bubuksan ng Diyos na Jehova ang mga pintuan ng tubig sa langit at ibubuhos sa atin ang saganang ulan ng espirituwal na mga pagpapala. (Mal. 3:10) Gawin ninyong tunguhin na kayo’y naroroon sa “Mga Tagatupad ng Salita ng Diyos” na Pandistritong Kombensiyon mula sa mismong pasimula ng programa sa Biyernes ng umaga hanggang sa pansarang panalangin at “Amen!” sa Linggo ng hapon. Ikagagalak ninyong ginawa ninyo ang gayon!

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share