Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 1/01 p. 1
  • “Pasikatin Ninyo ang Inyong Liwanag”

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • “Pasikatin Ninyo ang Inyong Liwanag”
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2001
  • Kaparehong Materyal
  • “Pasikatin Ninyo ang Inyong Liwanag”
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2011
  • “Pasikatin Ninyo ang Inyong Liwanag” Para Luwalhatiin si Jehova
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2018
  • Pumapawi ng Kadiliman ang Liwanag Mula sa Diyos!
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2002
  • Sundin ang Liwanag ng Sanlibutan
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1993
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—2001
km 1/01 p. 1

“Pasikatin Ninyo ang Inyong Liwanag”

1 Ang sanlibutan sa palibot natin ay nasa moral at espirituwal na kadiliman. Inihahayag ng liwanag ng katotohanan ang “di-mabungang mga gawa” ng kadiliman upang ang nakamamatay na mga batong ito na katitisuran ay maiwasan. Dahil dito, hinimok ni apostol Pablo ang mga Kristiyano: “Patuloy kayong lumakad bilang mga anak ng liwanag.”​—Efe. 5:​8, 11.

2 “Ang bunga ng liwanag” ay ibang-iba sa kadiliman ng sanlibutan. (Efe. 5:9) Upang magluwal ng bungang ito, kailangang tayo’y maging namumukod-tanging mga halimbawa sa Kristiyanong pamumuhay, ang uri ng mga tao na sinasang-ayunan ni Jesus. Kailangan din nating maipakita ang mga katangiang gaya ng pagiging buong-puso, kataimtiman, at kasiglahan para sa katotohanan. Ang mga bungang ito ay kailangang mahayag sa ating pang-araw-araw na pamumuhay at sa ating ministeryo.

3 Sumikat sa Bawat Pagkakataon: Sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad: “Pasikatin ninyo ang inyong liwanag sa harap ng mga tao.” (Mat. 5:16) Bilang pagtulad kay Jesus, napasisinag natin ang liwanag ni Jehova sa pamamagitan ng pangangaral ng tungkol sa Kaharian ng Diyos at sa kaniyang mga layunin. Tayo ay sumisikat bilang mga tagapagbigay-liwanag kapag dumadalaw tayo sa mga tahanan ng mga tao at kapag pinalalaganap natin ang katotohanan sa trabaho, sa paaralan, sa ating mga kapitbahay, o saanman tayo may pagkakataon.​—Fil. 2:15.

4 Sinabi ni Jesus na kapopootan ng ilan ang liwanag. (Juan 3:20) Kaya hindi tayo nasisiraan ng loob kapag tinatanggihan ng karamihan na makatagos sa kanila “ang kaliwanagan ng maluwalhating mabuting balita tungkol sa Kristo.” (2 Cor. 4:4) Nababasa ni Jehova ang mga puso ng sangkatauhan at hindi niya nais na mapabilang sa kaniyang bayan ang mga manggagawa ng kalikuan.

5 Kapag sinusunod natin ang mga daan ni Jehova at tinatamasa ang espirituwal na liwanag, napasisinag natin ito sa iba. Kapag nakikita nila sa ating paggawi na tayo ay ‘nagtataglay ng liwanag ng buhay,’ kung gayon sila man ay mauudyukang gumawa ng kinakailangang mga pagbabago upang maging mga tagapagdala ng liwanag.​—Juan 8:12.

6 Sa pamamagitan ng pagpapasikat ng ating liwanag, tayo ay nagbibigay ng kapurihan sa ating Maylalang at nakatutulong sa taimtim na mga tao na makilala siya at magtamo ng pag-asa na buhay na walang hanggan. (1 Ped. 2:12) Yamang taglay natin ang liwanag, gamitin natin ito upang tulungan ang iba na makita ang daang papalabas sa espirituwal na kadiliman at magluwal ng mga gawang ukol sa liwanag.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share