Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 5/01 p. 1
  • Makibahagi Nang Lubusan sa Pag-aani

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Makibahagi Nang Lubusan sa Pag-aani
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2001
  • Kaparehong Materyal
  • Ang mga Bukid ay Mapuputi Na Para sa Pag-aani
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2010
  • Maging Nagagalak na mga Mang-aani!
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2001
  • Magmatiyaga sa Gawaing Pag-aani!
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2001
  • Apurahang Nangangailangan—Higit Pang mga Mang-aani!
    Gumising!—1986
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—2001
km 5/01 p. 1

Makibahagi Nang Lubusan sa Pag-aani

1 Ang mga sinaunang propeta ni Jehova at si Jesu-Kristo mismo ay bumanggit ng tungkol sa isang gawaing pag-aani. (Isa. 56:8; Ezek. 34:11; Juan 10:16) Ang gawaing ito ay isinasagawa sa ngayon habang ipinangangaral ang mabuting balita ng Kaharian sa buong daigdig. (Mat. 24:14) Ang pagkakaiba sa pagitan niyaong naglilingkod sa Diyos at niyaong hindi naglilingkod sa kaniya ay kitang-kita na. (Mal. 3:18) Ano ang kahulugan nito para sa atin?

2 Isang Personal na Pananagutan: Matututo tayo mula sa halimbawa ni Pablo, na naging lubusang abala sa pangunguna sa Kristiyanong ministeryo. Nadama niya ang pananagutang mangaral upang ang lahat ng tao ay magkaroon ng pagkakataong marinig ang mabuting balita at maligtas. Ito ang nagpakilos sa kaniya na magpagal nang walang lubay alang-alang sa kanila. (Roma 1:14-17) Dahil sa mapanganib na kalagayang napapaharap sa sangkatauhan sa ngayon, hindi ba may higit tayong pananagutan na mangaral doon sa mga nasa ating nakaatas na teritoryo?—1 Cor. 9:16.

3 Panahon na Para sa Apurahang Pagkilos: Ang gawaing pangangaral ay maaaring ihambing sa gawaing pagliligtas. Ang mga tao ay dapat na masumpungan at matulungang mailigtas bago maging huli na ang lahat. Limitado ang panahon. Mga buhay ang nakataya! Hindi kataka-taka na hinimok ni Jesus ang kaniyang mga alagad na ‘magsumamo sa Panginoon ng pag-aani na magpadala ng mga manggagawa sa kaniyang pag-aani.’​—Mat. 9:​38.

4 Bilang pagkilala sa pagkaapurahan ng panahon sa ngayon, pinalawak ng maraming manggagawa ng Kaharian ang kanilang pakikibahagi sa nagliligtas-buhay na gawaing ito. Isang tin-edyer na nagngangalang Hirohisa ang naninirahan sa tahanan ng kaniyang nagsosolong magulang kasama ang kaniyang apat na nakababatang kapatid. Tinutustusan niya ang kaniyang pamilya sa pamamagitan ng pagbangon nang alas tres ng umaga upang magrasyon ng mga diyaryo. Gayunpaman, nais ni Hirohisa na gumawa ng higit pa sa ministeryo, kaya nagpasimula siyang magregular payunir. May mga paraan ba na makababahagi ka nang lalong lubusan sa gawaing ito na hindi na kailanman mauulit pa?

5 “Ang panahong natitira ay maikli na.” (1 Cor. 7:​29) Kaya nga, harinawang gawin natin ang ating buong makakaya sa pinakamahalagang gawain na isinasagawa sa lupang ito sa ngayon​—ang pangangaral ng mabuting balita ng Kaharian at ang paggawa ng mga alagad. Inihalintulad ni Jesus ang ministeryong ito sa gawaing pag-aani. (Mat. 9:​35-​38) Sa pamamagitan ng ating pakikibahagi nang lubusan sa pag-aani, maaaring mailakip sa mga bunga ng ating pagpapagal ang pagtulong sa iba na maging bahagi ng malaking pulutong ng mga mananamba na inilarawan sa Apocalipsis 7:​9, 10.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share