Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 1/02 p. 6
  • Bagong Programa ng Pansirkitong Asamblea

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Bagong Programa ng Pansirkitong Asamblea
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2002
  • Kaparehong Materyal
  • Hubugin ang Iyong Puso Upang Matakot kay Jehova
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2001
  • Ang Pagkatakot sa Diyos—Mapapakinabangan Mo Ba?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1987
  • Pag-uukol ng Banal na Paglilingkod Taglay ang Maka-Diyos na Pagkatakot
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1989
  • Bakit Tayo Dapat Matakot sa Diyos?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1989
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—2002
km 1/02 p. 6

Bagong Programa ng Pansirkitong Asamblea

Ang isang katuturan ng pagkatakot ay ang “masidhing pagpipitagan at pagkasindak, lalo na sa Diyos.” Inilalarawan nito ang mabuting pagkatakot na binabanggit ng Kasulatan bilang “ang pasimula ng karunungan.” (Awit 111:10) Sa kabaligtaran, may isa pang uri ng pagkatakot na nangingibabaw sa sanlibutan ni Satanas sa palibot natin. Paano natin maiiwasan ang di-kanais-nais na damdaming iyan habang pinasusulong ang mapitagang pagkatakot kay Jehova? Ang bagong programa ng pansirkitong asamblea para sa 2002 na taon ng paglilingkod ang sasagot sa katanungang ito. Ang tema ay “Matakot Kayo sa Diyos at Magbigay sa Kaniya ng Kaluwalhatian.” (Apoc. 14:7) Mauunawaan natin ang maraming paraan kung paano tayo nakikinabang sa pagkatakot kay Jehova bilang mga indibiduwal at bilang isang organisasyon.

Bagaman ang pagkatakot ay maaaring magpahiwatig ng kabalisahan o kawalan ng lakas ng loob at pag-aatubili na harapin ang mahihirap na kalagayan, ang Bibliya ay nagsasabi: “Maligaya ang bawat isa na natatakot kay Jehova.” (Awit 128:1) Ipakikita sa atin ng programa ng asamblea kung paano natin haharapin nang matagumpay ang mga hamon sa tunay na pagsamba. Makikita natin kung paano tutulungan ang mga baguhan na malinang ang gayong kanais-nais na pagkatakot sa Diyos, na siyang aktuwal na gaganyak sa kanila upang magnais na maglingkod sa kaniya nang kanilang buong puso, kaluluwa, pag-iisip, at lakas. (Mar. 12:30) Ang unang araw ay magtatapos sa pahayag ng tagapangasiwa ng distrito na “Maging Higit na Malapít sa mga Iniibig Mo.” Kaniyang ipaliliwanag kung paano tayo makapananatiling alisto sa makadiyablong pagsisikap na ilayo tayo mula kay Jehova, sa ating pamilya, at sa ating mga kapatid na Kristiyano.

Ang tema ng apat-na-bahaging simposyum sa ikalawang araw ay “Matakot kay Jehova, Hindi sa mga Tao.” Ipaliliwanag nito kung bakit at kung paano natin dapat na mapagtagumpayan ang anumang pagkatakot na humahadlang sa atin sa lubos na pagsasakatuparan ng ating ministeryo o pagpapanatili ng ating katapatan at malinis na budhi sa paaralan at sa pinagtatrabahuhan. Ang pahayag pangmadla na “Matakot Kayo sa Diyos at Sundin ang Kaniyang mga Utos” ay salig sa kawing-kawing na mga pangyayari na inilarawan sa Apocalipsis kabanata 14. Ang pansirkitong asamblea ay magtatapos taglay ang nakapagpapatibay na tagubiling “Patuloy na Lumakad sa Pagkatakot kay Jehova.”

Ang Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo, modelong Pulong sa Paglilingkod, pahayag sa bautismo, at sumaryo ng Pag-aaral sa Bantayan ay mga karagdagang tampok na bahagi ng programa na hindi ninyo nanaising malibanan. Anyayahan ang inyong mga estudyante sa Bibliya na dumalong kasama ninyo. Ang sinumang nagnanais na magpabautismo ay dapat na karaka-rakang magsabi sa punong tagapangasiwa hangga’t maaari. Nanaisin nating lahat na ipakita ang ating kanais-nais na pagkatakot kay Jehova at iukol sa kaniya ang kaluwalhatian sa pamamagitan ng hindi pagliban sa anumang bahagi ng namumukod-tanging programang ito!

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share