Ang Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo Para sa 2002
1 Ang kakayahang magsalita ay ipinagwawalang-bahala ng karamihan sa mga tao. Gayunpaman, ang pagsasalita ay isang kaloob mula kay Jehova. Ito ay nagpapahintulot sa atin na makipag-usap sa iba at ipahayag ang ating mga kaisipan at mga damdamin. Pinakamahalaga sa lahat, maaari nating purihin ang ating Diyos sa pamamagitan nito.—Awit 22:22; 1 Cor. 1:4-7.
2 Ang mga lalaki, babae, at mga bata ay sinasanay sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo upang ipahayag ang pangalan ni Jehova. (Awit 148:12, 13) Ang programa ng paaralan para sa 2002 ay sumasaklaw sa maraming iba’t ibang paksa sa Bibliya na personal nating mapapakinabangan at magagamit sa ministeryo. Sa pamamagitan ng paghahanda para sa paaralan at pakikibahagi rito, mapasusulong natin ang ating kaalaman at ang ating mga kakayahan bilang mga guro ng Salita ng Diyos.—Awit 45:1.
3 Basahin ang Bibliya Araw-Araw: Kung laging nakahanda ang ating Bibliya, masasamantala natin ang anumang libreng panahong taglay natin upang basahin ito. Ang karamihan sa atin ay may ilang minuto sa maghapon na magugugol sa ganitong paraan. Tunay ngang kapaki-pakinabang na basahin ang kahit na isa man lamang pahina bawat araw, na sapat na upang makaalinsabay sa programa ng pagbabasa sa Bibliya na nakabalangkas sa iskedyul ng paaralan!—Awit 1:1-3.
4 Ang kakayahang bumasa ng Bibliya nang mahusay ay makatutulong sa atin na maabot ang puso ng ating mga tagapakinig at maganyak sila na purihin si Jehova. Ang mga kapatid na lalaki na gumaganap ng Atas Blg. 2 sa paaralan ay dapat na mag-insayo, mag-insayo, mag-insayo sa malakas na pagbabasa ng atas. Ang tagapangasiwa sa paaralan ay magbibigay ng komendasyon at mga mungkahi upang mapasulong ang pagbabasa.
5 Gamitin ang Aklat na Nangangatuwiran: Ang Atas Blg. 3 at Blg. 4 ay salig sa aklat na Nangangatuwiran. Marahil ang karamihan sa atin ay maaaring maging higit na palaisip sa paggamit ng praktikal na pantulong na ito sa ministeryo sa larangan. Ang mga kapatid na babae ay dapat na pumili ng mga tagpong praktikal sa teritoryo. Dapat bigyan ng partikular na pansin ng tagapangasiwa sa paaralan kung paano sila nagtuturo at paano nila ginagamit ang Kasulatan.
6 Ang Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo ay tumulong nawa sa ating lahat na patuloy na gamitin ang ating bigay-Diyos na kaloob ng pagsasalita upang ipahayag ang mabuting balita at purihin ang ating dakilang Diyos, si Jehova!—Awit 34:1; Efe. 6:19.