Kung Ano ang Sasabihin Tungkol sa mga Magasin
Ang Bantayan Mayo 15
“Sa palagay mo ba’y posibleng makilala ang Diyos? [Hayaang sumagot.] Sasang-ayon ka na mahirap maniwala sa isa na hindi natin gaanong kilala. Sa katunayan, pinasisigla tayo ng Bibliya na hanapin ang Diyos. [Basahin ang Gawa 17:27.] Ipinakikita ng mga artikulong ito kung paano natin higit na makikilala ang Diyos.”
Gumising! Mayo 22
“Ang mga lider sa daigdig ay nag-eeksperimento sa maraming ideya sa pagsisikap na lutasin ang ating mga problema. Ang isang bagong pamamaraan ay tinatawag na globalisasyon. Sa magasing ito, mababasa mo kung paanong ang bagong pagsisikap na ito ay maaaring nakaaapekto na sa iyong buhay. Mababasa mo rin ang tungkol sa isang pangglobong solusyon na inihula sa Bibliya.” Pagkatapos ay basahin ang Mateo 6:9, 10.
Ang Bantayan Hunyo 1
“Ang mga pangyayari kamakailan ay nagiging dahilan upang mag-isip ang marami kung bakit ang inosenteng mga biktima ay namamatay nang di-inaasahan. Naisip mo na ba kung bakit namamatay ang mga tao? [Hayaang sumagot, at pagkatapos ay bumaling sa tsart sa pahina 7.] Nais mo bang makita kung ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa isa sa mga karaniwang maling paniniwala na ito?” Kung posible, basahin ang binanggit na kasulatan.
Gumising! Hunyo 8
“Maraming tao ang nakadarama na ang relihiyon at siyensiya ay nagkakasalungatan. Nadarama pa nga ng iba na imposible para sa isa na palaisip sa siyensiya ang maniwala sa Diyos. Ano ang nadarama mo hinggil dito? [Hayaang sumagot.] Tinatalakay ng Gumising! ang paksang ito sa isang nakapagtuturong paraan.”