Kung Ano ang Sasabihin Tungkol sa mga Magasin
Ang Bantayan Hunyo 15
“Sa palagay mo, posible kayang maging maligaya sa kabila ng mga problemang napapaharap sa atin? [Hayaang sumagot.] Itinatawag-pansin ng magasing ito ang isang pinagmumulan ng patnubay na makatutulong sa atin upang mapagtagumpayan ang mga hamon sa buhay. Tinatalakay rin nito ang nagpapalakas na kapangyarihan ng tunay na pag-asa.” Basahin ang Apocalipsis 21:3, 4.
Gumising! Hunyo
“Hindi ba’t sasang-ayon ka na ipinakikita ng nangyaring mga sakuna kamakailan ang kahalagahan ng pakikinig sa babala? [Hayaang sumagot.] Tinatalakay ng artikulong ito ang mga aral na natutuhan ng mga nakaligtas sa Bagyong Katrina. Binabanggit din nito ang babala na kailangang pakinggan nating lahat sa ngayon.” Itampok ang artikulo na nagsisimula sa pahina 14.
Ang Bantayan Hulyo 1
“Sa daigdig ngayon na puno ng kabagabagan, maraming tao ang nagtatanong: ‘Bakit puno ng problema ang buhay? Kung umiiral ang Diyos, bakit wala siyang ginagawa upang alisin ang pagdurusa?’ Naitanong mo na ba iyan? [Hayaang sumagot.] Ibinibigay ng magasing ito ang nakapagtuturong kasagutan ng Bibliya sa mga tanong na ito.” Basahin ang 2 Timoteo 3:16.
Gumising! Hulyo
“Sa ngayon, dumaraming mag-asawa ang dumaranas ng kaigtingan. Sa palagay mo, makikinabang kaya ang mga mag-asawa kung susundin nila ang payong ito ng Bibliya? [Basahin ang Efeso 4:32. Saka hayaang sumagot.] Tinatalakay ng isyung ito ng Gumising! ang subók nang mga simulain sa Bibliya na makatutulong sa atin na magtatag ng maligayang pag-aasawa.”