Kung Ano ang Sasabihin Tungkol sa mga Magasin
Ang Bantayan Hunyo 1
“Sa palagay ninyo, sinasang-ayunan ba ng Diyos ang lahat ng relihiyon? [Hayaang sumagot.] Alamin natin kung ano ang naging reaksiyon ng Diyos nang tularan ng sinaunang Israel ang relihiyosong mga gawain ng mga bansa sa palibot nila. [Basahin ang Ezekiel 6:6.] Sinasagot ng artikulong ito ang tanong na, ‘Mahalaga ba Kung Paano Natin Sinasamba ang Diyos?’” Itampok ang artikulo sa pahina 9.
Gumising! Hunyo
“Tiyak na sasang-ayon kayo na ang mga taon ng pagiging tin-edyer ay malaking hamon lalo na sa mga tin-edyer at sa kanilang mga magulang. Sa palagay ninyo, makatutulong kaya sa mga magulang ang pagsunod sa payo na ito? [Basahin ang Santiago 1:19. Saka hayaang sumagot.] Masisiyahan kayo sa praktikal at salig sa Bibliyang mga mungkahi sa magasing ito.”
Ang Bantayan Hulyo 1
“Lahat tayo ay nakararanas ng kirot na mamatayan ng mahal sa buhay. Sa gayong mga panahon, makatutulong kaya ang Bibliya? [Hayaang sumagot. Pagkatapos ay basahin ang Awit 55:22.] Isinasaalang-alang ng magasing ito ang ilang praktikal na mungkahi na tinatalakay sa Bibliya upang maharap ito.”
Gumising! Hulyo
“Maraming mag-asawa ang dumaranas ng tumitinding panggigipit, at maraming pag-aasawa ang nagwawakas sa diborsiyo. Sa palagay ninyo, makatutulong kaya sa matagumpay na pag-aasawa ang pagsunod sa payo na ito? [Basahin ang Kawikaan 12:18. Saka hayaang sumagot.] Tinatalakay ng magasing ito ang iba pang mga simulain sa Bibliya na makatutulong sa mga mag-asawa na mapatibay ang kanilang pagsasama.”