Kung Ano ang Sasabihin Tungkol sa mga Magasin
Ang Bantayan Abril 1
“Naniniwala ang ilang tao na nakatadhana na ang kinabukasan natin, samantalang sinasabi naman ng iba na tayo ang gumagawa ng sarili nating kapalaran. Ikaw, ano sa tingin mo? [Hayaang sumagot.] Pansinin ang sinasabi ng tekstong ito. [Basahin ang Eclesiastes 9:11.] Tinatalakay ng artikulong ito ang sagot ng Bibliya sa tanong na, ‘Nakatadhana ba ang Ating Buhay?’” Itampok ang artikulo sa pahina 26.
Gumising! Abril
“Maraming pag-aasawa ang nauuwi sa diborsiyo dahil sa kawalang-katapatan. Sa tingin mo kaya tatagal ang pagsasama ng mag-asawa kung ikakapit nila ang tekstong ito? [Basahin ang Mateo 5:28. Hayaang sumagot.] Tinatalakay ng artikulong ito ang sinasabi ng Bibliya na tutulong sa mga mag-asawa na maiwasang magtaksil sa kanilang kabiyak.” Iharap ang artikulo sa pahina 28.
Ang Bantayan Mayo 1
“Ano sa tingin mo ang dahilan kung bakit nahihirapan ang isa na manampalataya sa Diyos? [Hayaang sumagot.] Ayon sa talatang ito, mahalaga ang pananampalataya. [Basahin ang Hebreo 11:6.] Tinatalakay sa magasing ito ang apat na hakbang para mapatibay ang ating pananampalataya.”
Gumising! Mayo
“Parami nang parami sa ngayon ang umaabuso sa inireresetang mga gamot. Sa palagay mo, ano kaya ang dahilan? [Hayaang sumagot.] Binabanggit ng Bibliya ang isa sa mga pangunahing dahilan, lalo na kung bakit ito ginagawa ng mga bata. [Basahin ang Kawikaan 13:20.] Tinatalakay ng magasing ito kung paano mo mapoprotektahan ang iyong sarili at ang iyong pamilya mula sa laganap na problemang ito.”