Kung Ano ang Sasabihin Tungkol sa mga Magasin
Ang Bantayan Hulyo 15
“Labis na nakapipighati ang kamatayan ng isang minamahal. Sa palagay ninyo, isang bahagi ba nila ang patuloy na nabubuhay? [Hayaang sumagot.] Ito ang nakapagpapasiglang pangako ni Jesus. [Basahin ang Juan 5:28, 29.] Yamang sinabi ni Jesus na isang pagkabuhay-muli ang ‘dumarating,’ ipinaliliwanag ng magasing ito kung nasaan ngayon ang mga patay ayon sa Bibliya.”
Gumising! Hulyo
“Maraming tao ang namumuhay sa pinakamabuting paraang magagawa nila at naniniwala na mahalagang maging mabuting tao. Iyan din ba ang paniniwala ninyo sa buhay? [Hayaang sumagot.] Pansinin ang panganib kung ang iniisip nating mabuti ay iba sa pangmalas mismo ng Diyos. [Basahin ang Kawikaan 14:12.] Tinatalakay ng artikulong ito kung ano ang ibig sabihin ng pagiging mabuting tao sa paningin ng Diyos.” Itampok ang artikulong nagsisimula sa pahina 20.
Ang Bantayan Agos. 1
“Gusto ko pong malaman ang opinyon ninyo tungkol sa isang bagay na sinabi ni Jesus. [Basahin ang Mateo 5:3.] Sa palagay ninyo, mahalaga ba ang kaugnayan ng tao sa Diyos upang maging maligaya? [Hayaang sumagot.] Ipinakikita ng magasing ito kung ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa tunay na espirituwalidad at kung paano tayo magkakaroon nito.”
Gumising! Agos.
“Sa palagay ninyo, saan makasusumpong ang mga magulang ng payo na makatutulong sa kanila? [Hayaang sumagot.] Pansinin ang pangakong ito na nasa Bibliya. [Basahin ang 2 Timoteo 3:16.] Ipinakikita ng magasing ito kung bakit praktikal ang Bibliya sa pagtulong sa mga magulang sa pagpapalaki ng maligayang mga anak.”